HINDI kontento si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares sa naging desisyon ng Meralco na i-refund na lamang sa mga kostumer nila ang sobrang nasingil sa consumers.
Ayon sa mambabatas, dapat papanagutin ang Meralco sa ginawang paglabag sa temporary restraining order (TRO) na ipinalabas ng Supreme Court na nagsasabing huwag munang ipatupad ang dagdag singil.
Dahil dito, idiniin ni Colmenares na dapat papanagutin ang Meralco sa panlilinlang na ginawa sa Korte Suprema kung kaya’t dapat silang i-cite for contempt dahil tahasan nilang binalewala ang naturang TRO.
“This should be pursued because if they got away with it then the consumers would again be at the losing end,” ratsada ni Rep. Colmenares.
ni JETHRO SINOCRUZ