ni Roldan Castro
KAKAIBA ang role ni Ai Ai Delas Alas dahil isa siyang sirena sa Dyesebel ng ABS-CBN2. At least, hindi isang ordinaryong tao o isang nanay ang mapapanood sa kanya ngayon sa telebisyon.
Bukod dito, sasabak na rin siya sa indie movie para sa Cinemalaya.
Mukhang trip ni Ai Ai na gayahin si Eugene Domingo na nagkakamit ngayon ng international best actress award.
“Fabulous ‘yun, ‘di ba?” tumatawang pahayag ng Comedy Concert Queen.
Paolo, umaming may psoriasis
PINAG-UUSAPAN na ang pag-amin ni Paolo Bediones na nagtataglay siya ng sakit na Psoriasis pero hindi nakakahawa. Dahil dito, may bagong misyon ang Kapatid host na maging spokesperson ng Psoriasis Philippines.
Masarap daw itong kamutin at napakakati. ‘Pag stress ka raw ay mapapakamot ka. Ilan ito sa rebelasyon ni Paolo sa panayam ni Luchi Cruz-Valdes sa Reaksyon.