IPINAKIKITA ng mga ahente ng National Bureau of Investigations (NBI) ang mga armas ng pitong miyembro ng kidnap for ransom group na balak sanang dukutin ang Chinese-Filipina businesswoman, ngunit nadakip ng mga awtoridad sa Antipolo City, kamakalawa ng gabi.
ARESTADO sa nabigong pagdukot sa isang negosyanteng Filipina-Chinese ang pitong miyembro ng kidnap for ransom (KFR) group sa operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Antipolo City.
Kinilala ng NBI Anti-Organized Crime Division head, Agent Rommel Vallejo ang mga suspek na si Ist Lt. Moel Alipio y Melad, aktibong miyembro ng militar; at mga sibilyan na sina Joseph Entredicho y Villasor, Grexon Behare y Bacho, Rafael Camasis y Gutierrez, at Jame Bendo y Nuguit.
Arestado rin sinaVa-lentino Carlobos y Malabago, dating corporal na miyembro ng Scout Ranger, at dating Army Corporal Edgar Alipio y Talosa.
Target ng NBI at Rizal PNP ang isang Major Del Rosario na sinasabing PMAyer, at aktibong miyembro ng AFP, itinuturong mastermind ng grupo, at dalawang hindi pa pina-ngalanan.
Sa ulat, dudukutin sana ng grupo ang Filipina-Chinese businewoman na patungo sa kanyang pabrika sa Cainta, Rizal ngunit natunugan ng mga ahente ng NBI.
Hindi na nakapalag ang mga suspek nang sila ay arestohin sa Antipolo City ng magkasanib na pwersa ng NBI at Rizal PNP. (ED MORENO)