ni ROLDAN CASTRO
KAHIT tinaguriang ‘chick magnet’ si Wendell Ramos ay dumarating din ‘yung natorpe siya sa babae. Normal naman daw ‘yung maging torpe pero nasa may katawan na kung paano malalagpasan ang pagka-torpe. Hindi lang naman daw sa babae ang pagiging torpe kundi pati sa mga tao na gusto mong i-approach.
Happy naman siya na nagkasama sila ni Ogie Alcasid sa Confessions Of A Torpe na nagsimula na sa TV5. Blessed daw siya dahil hindi lang n’ya gustong magtrabaho kundi gusto niya ang mga katrabaho niya sa tawa-serye gaya nina Ogie, Gelli De Belen, Alice Dixson, Bayani Agbayani, Jojo Alejar, Pilita Corrales atbp..
Kinuha rin ang reaksiyon niya kung sakaling mangyari sa kanya ang pinagdaraanan ngayon ni Vhong Navarro dahil sa babae. Sana raw ay hindi dumating sa kanya ang ganoong sitwasyon dahil masakit ‘yun sa anak niya.
Sa ganitong pangyayari dapat daw ay maging aware sa lugar na pupuntahan at magkaroon ng ibayong pag-iingat.
Talbog!