Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Weakness ni Cristine, nasapol ni Kevin (Bagong all-time high TV rating, nakamit ng Honesto)

ni  Maricris Valdez Nicasio

AMINADO si Cristine Reyes na nababaitan siya sa kanyang bagong admirer, si Kevin Alas ng Gilas.

Bukod kasi sa mahilig din ito sa bata (na siyang weakness ni AA—tawag sa aktres) lagi rin daw iyong nagko-comment sa Instagram niya. “Lagi rin siyang nagsi-send sa akin ng picture. Ipinakilala siya sa akin ni Vice (Ganda) at sabi niya pinapanood niya lagi ‘yung ‘Honesto’.

Kaya naman hindi rin itinanggi ni AA na posibleng mapalapit din siya kay Kevin. “Kasi mabait siya. Pero hindi ko sinasabi na pag-asa na magiging boyfriend ko kaagad, kumbaga ‘yung qualities niya ay pwede dahil mabait siya. Nakikita ko rin na totoo siyang tao.”

Samantala, lalo pang lumalakas at tumataas ang ratings ng Honesto. Kaya naman ito pa rin ang nangungunang primetime drama series. Patunay dito ang datos ng Kantar Media noong Lunes (Pebrero 24) na nakuha ng number one primetime teleserye ng ABS-CBN ang pinakabago nitong all-time high national TV rating na 35.6%, o mahigit doble sa nakuha ng katapat nitong programa sa GMA na Adarna (17.1%). Wagi rin ang Honesto sa social networking sites tulad ng Twitter dahil pinag-usapan at naging worldwide trending topic ang hashtag na #HonestosLastFifteenNights.

Simula nang umere ito noong Oktubre 2013, gabi-gabi nang tinutukan ng buong sambayanan ang kuwento ng Honesto dahil sa makatotohanan nitong paglalahad ng kahalagahan ng katapatan at kabutihan sa kapwa-tao.

Bukod sa ‘tapat at totoong’ kuwento ng teleseryeng napapanahon, tumatak din sa puso ng mga manonood ang pinakabagong child wonder ng Kapamilya Network na si Raikko Mateo na gumaganap bilang si Honesto at ang tambalang Diego at Marie na ginagampanan naman nina Paulo Avelino at Cristine.

Hanggang saan kayang ipaglalaban nina Diego, Marie, at Honesto ang katotohanan? Kaya pa ba nilang buuin ang kanilang pamilya na pinaghiwalay at winasak ng napakaraming kasinungalingan? Sa huli, magsisisi ba si Hugo Layer (Joel Torre) sa kanyang mga kasalanan?

Bukod kina Raikko, Paulo, Cristine, at Joel, bahagi rin ng powerhouse cast ng Honesto sina Eddie Garcia, Janice de Belen, Angel Aquino, Nonie Buencamino, Melissa Ricks, at Joseph Marco. Ito ay sa ilalim ng direksiyon nina Jerry Lopez Sineneng at Darnel Joy Villaflor, at produksiyon ng Dreamscape Entertainment Television.

Huwag palampasin ang pinakaaabangang pagtatapos ng Honesto sa Marso 14 (Biyernes) sa ABS-CBN Primetime Bida.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …