Monday , December 23 2024

Sino sina PNP bagman ‘Bebet’ at ‘Jigs’?

MULA sa listahan ng mga pulis na ibinunyag ko kamakailan sa pagsisilbing bagman ng ilang opis-yal ng pulisya na tumatanggap ng padulas na pera mula sa mga ilegal na negosyo sa Metro Manila, dalawa sa kanila ang nakakuha ng atensiyon ng Firing Line: sina “Bebet” at “Jigs.”

Ang dalawa ang pinaka-notorious na bagman; may malaking koleksiyon ng ‘tong’ para sa mga opisyal ng iba’t ibang unit ng Philippine National Police (PNP).

Dahan-dahan natin hubaran ng maskara ang dalawang ito.

Una, si “Bebet.” Ayon sa aking mga espiya, Angelito ang tunay niyang pangalan. Ang apel-yido niya ay katunog ng “tubig” sa Spanish.

Si Angelito “Bebet” A., ay isang Police Offi-cer 2 (katumbas ng Private First Class sa militar). Dati siyang nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na ang tanging trabaho ay mangolekta ng lingguhang ‘intelihensya’ para sa ilang opisyal.

Ipinangongolekta ni “Bebet Tubig” ang mga opisyal sa lahat ng klase ng ilegal na pasugalan, sa night clubs na may prostitusyon at mga babaeng nagsisipagsayaw nang hubad, at sa mga sindikatong nagnanakaw ng gasolina o tinatawag na ‘paihi.’

Dahil nakatira sa Pasay City, kabisadong-kabisado niya ang mga kinokolektahang lugar na may pasugalan at may nagbebenta ng panandaliang aliw sa Roxas Boulevard at karatig-lugar sa siyudad.

Nang ang dati niyang amo ay nadestino bilang hepe ng Northern Police District, siya ang naging bagman nito kaya naman labis siyang inirereklamo at lagi pang nadadyaryo.

Noong panahon ni yumaong Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo, si Bebet Tubig ay naipatapon sa Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) matapos mabuking na nangongolekta para sa Office of Internal Security (OIS), isang PNP unit na nakatalaga sa DILG. Ngunit sinalo siya ng kanyang amo nang naitalaga bilang hepe ng Police Regional Office 3.

Talagang sikat na bagman si Bebet Tubig, dahil sari-saring unit na ang hinawakan niya sa larangan ng ‘intelihensiya,’ tulad ng Task Force Maverick ng CIDG noong 2012, at Special Reaction Unit (SRU) noong 2013.

Ayon sa mga espiya, si Bebet Tubig daw ngayon ang namamahala sa koleksiyon ng National Capital Region Police Office (NCRPO), Southern Police District (SPD) para sa umano’y opisyal na may initials na JV sa CIDG-WACCO (Women’s and Children’s Concerns Office) para raw sa isang opisyal (na ang apelyido ay katunog ng “gave” sa Filipino); at gayundin para sa pekeng grupo na Special Task Force (STF) ng CIDG. Ibinibigay naman ni Bebet ang koleksiyon ng STF kay “Baby Mar,” na nagpaparating ng grasya sa mga nakasalong opisyal.

Sinabi rin ng sources na hindi lang daw basta-bastang pulis si Bebet, dahil negosyante rin daw siya. May-ari rin daw si Bebet ng maraming ilegal na Video Karera machines sa Taguig at kasosyo rin siya sa ilang peryahan.

Kaya hindi na nakapagtataka ang sobra ni-yang katabaan dahil sa dami ng perang koleksi-yon. Ang nakapagtataka na lang ay kung paano siya nakapapasa sa physical fitness test and waist measurement regulation ng PNP.

***

Ito namang si PO2 Marlon, alyas “Jigs Sir Bilyon,” ang naatasang mangolekta ng intelihensiya sa NCRPO noong nakaupo pa bilang director ng NCRPO ang ngayon ay PNP Chief na si Director-General Allan Purisima. Malamang “clueless” si General dahil alam nating desidido talaga siya na ipatupad ang “no-take” policy sa PNP.

Subalit hanggang ngayon ay ginagasgas pa rin ni Jigs ang pangalan ni PNP Chief, dahil malakas daw siya rito.

Kaya raw ganoon na lang kaabusado sa mga night club na kanyang iniinuman at kinakainan nang libre si Jigs, bukod pa sa hataw niyang panghihingi ng lingguhang intelihensiya.

Bukod sa kanyang umano’y malalim na koneksiyon sa mga nakapuwesto, magaling rin sigurong mangolekta si Jigs, dahil ilang taon na si-yang bagman ng NCRPO, hanggang ngayon, pati na ng NCRPO-RPIOU (Regional Police Intelligence and Operations Unit), CIDG at CIDG-STF.

Tinutulungan si Jigs sa pagkalap ng koleksi-yon ni “Romy Lakay” at isang alyas “Joel.” Tulad din ni Bebet, si Jigs ay may Video Karera operations sa Pasig.

Kung totoong may “no-take” policy sa PNP, CIDG at NCRPO, paano nagpapatuloy ang kolek-siyon nina Bebet Tubig at Jigs, Sir Bilyon?

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *