Friday , November 15 2024

Shoe string budget panghabol sa mga smuggler

KATAKA-TAKA halos zero budget ang customs sa spy fund na pang-build up ng intelligence laban sa mga SMUGGLER, pero nakahuhuli kahit papaano.

Tulad na lang ng mga napaghuhuling kargamento lalo na sa Mindanao gaya ng bigas, tapos apat na mamahaling sasakyan, etc.

Ito kaya ay resulta ng sinasabi ni Customs Deputy Commissioner for intelligence at dating AFP chief of staff Jessie Dellosa na tumutulong sa kanila ang

Intelligence community na halos mga taga-military. Pero hangang saan ang kanilang itutulong sa Bureau na walang Intelligence fund halos. Noong nakaraan buwan lang, nabanggit ng office ni Dellosa na  hindi nila magamit iyong P4.5-million spy fund na bigay ng Congress (ganito na kaliit ito ilan dekada na rin) dahil sa kuno’y hinihintay muna sila mag-liquidate kahit hindi pa tapos ang paggamit ng spy fund. Ibig bang sabihin nito may katotohanan ang tsismis na tila hindi nagkakasundo si Commissioner Sevilla at Depcom Dellosa?

Pero kung tutuusin , iyong mga huli  ng bagong pamunuan ng customs parang isdang dilis lang. Iyong mga Barracuda tulad ng mga smuggler ng tone- toneladang bigas  wala. Seguro, may mga nagmamalasakit na ilang opisyal ng Bureau na siyang nagbabato ng information laban sa ilang mapilit na grupo ng smuggler. Ayaw naman natin maniwala na iyong maliliit na huli ng customs ipinapain tulad ng pangigisda sa dagat. Token lang ‘ika nga.

Unless B0C authorities would tell they have licked the problem of leakage in smuggling. Ang sindikato kasi gagawa at gagawa ng kanilang illegal activity kahit pa harangan ng sibat. Bakt? kasi may mga kakontsaba sila sa loob na tumutulong sa kanilang smuggling. Ito ang gawain noon, ito rin seguro ang gawain ngayon.

Ito halimbawa sa mga tone-toneladang bigas na nasasabat, open smuggling ang dating sa atin. Hindi ito maituturing na solid accomplishment. Dahil sa umiiral na controversy ukol sa status ng Import  Permit na iniisyu ng NFA. Ito ay nakabinbin ngayon sa Supreme Court. Hangga’t hindi sinasabi ng SC na ang mga bigas na Imported ay maituturing na smuggled kapag walang NFA IP ay illegal. Hindi pa tapos ang usapin dito. Ang katwiran nga mga rice importer, bayad sila ng TAXES/DUTIES. Kaya lang syempre ang kanilang magic dito ay undervaluation, or misdeclaration or bawasan ang volume. Dito dapat listo ang mga taga-Bureau.

Pero ang ipinagtataka ng madlang pipol ay kung paanong maging tagumpay ang anti-smuggling drive ng bureau na nawawalan ng P200-billion bawat taon kung halos walang spy fund?

Kongreso wake up.

Arnold Atadero

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *