Mami-miss nang husto ng kanyang mga tagahanga ang bagong kid wonder ng palabas na si Raikko Mateo. Na mas lalo pang naging bibo at tumatas sa pagpapahayag ng kanyang gustong sabihin ang five-year old kinder 2 student.
Enjoy daw siya every taping day.
“Lagi po kasi nagpapa-turon si tita AA.”
Si Raikko, may crush na ba?
“Mayroon po! Si tita Melissa (Ricks). Ang ganda-ganda niya po!”
Habang papalapit na ito sa kanilang pagtatapos, mas nagiging exciting ang bawat eksena ng Honesto na nagsilang din ng adbokasiya sa mga taga-subaybay nito na sa kanilang munting paraan eh, naparangalan ng programa sa kanilang pagiging ‘honest’-sa tulong din ng mga MMDA official na siya ring nakakita sa kalinisan ng puso ng isang kuchero sa Intramuros, isan street sweeper, at magkapatid na nakapulot ng DLSR camera na nagsauli nito.
ni Pilar Mateo