Monday , December 23 2024

Krimen kaakibat ng pag-unlad

MAY kasabihang kapag hitik ang bunga, binabato. O kaya ay maraming gustong manungkit. Ito raw marahil ang dahilan kung bakit tila tumataas ang insidente ng krimen sa Rizal, partikular sa mga bayan ng Angono at Binangonan.

Nito lamang nakaraang weekend, ayon kay CHIEF INSP. PETE MARIGONDON na hepe ng BInangonan Police, isang suspek sa panghoholdap at pananaksak at isa pang miyembro ng Akyat Bahay ang nahuli ng kanyang mga tauhan.

Ang nakapagtataka rito ay parehong taga Bgy. Pag-asa ang mga suspek. Ang naturang barangay ay nasa boundary ng Angono at Binangonan, isang lugar na maraming establisyemento na ang itinatayo gaya ng SM. Dahil along the national highway ang naturang barangay, naging mapang-akit daw ito sa masasamang loob.

Sa naturang barangay din hinoldap at napatay ang isa sa mag-asawang may-ari ng Petron sa Binangonan noong Nobyembre. Nito lamang nakaraan, isang gasolinahan naman na malapit sa sikat na restoran na Balaw-Balaw ang hinoldap din.

Dahil daw sa ipinapakitang kaunlaran sa naturang area, hindi malayong pugaran ng mga TARANTADO ang paligid ng highway kung saan isinasagawa ng mga halang ang kaluluwa ang kanilang krimen, ayon kay Major. Marigondon.

Ayon din sa ilang residente sa Bgy. Pag-asa, totoong mayroong mga dayuhan ngayon sa kanilang lugar. Mga bagong mukha na doon namirmihan sa hindi malamang kadahilanan. Ayon pa sa kanila, tila may isang grupo ng mga holdaper at magnanakaw daw ang ngayo’y nag-o-operate sa kanilang lugar. Naghahanda para sa inaasahang pag-angat ng kabuhayan doon.

Siyempre nga naman, kapag maraming establisyemento, bakit sa Metro Manila pa sila mambibiktima? Mas madali sa kanilang isagawa ang krimen sa isang lugar na papaangat pa lamang.

Mind you, mga sir, ayon sa aking sources, mga bihasang magnanakaw ang nariyang grupo. Siguro kailangan pag-ibayuhin ang pag-iingat sa lugar na ‘yan. Palakasin ang pagbabantay at kooperasyon ng mga residente at pulisya. Paigtingin ang INTELLIGENCE MONITORING at data gathering sa mga BAGONG MUKHA sa mga barangay sa paligid ng ANGONO-BINANGONAN HIGHWAY.

Maging abante tayo ng hakbang laban sa kanila. Maging mapagmatiyag. Naririyan na ang mga damuho na batay sa aking impormasyon ay may mga padrino rin sa pulisya. Hmmm. Hindi malayo at hindi malabo.

Doble ingat po, mga kanayon sa lugar na ‘yan. Damihan pa ang mga pulis na napapatrolya sa anumang oras. Sa mga residente, kahit saan mang lugar, ang pag-iingat ay nasa sa atin. Huwag asahan ang mga pulis dahil alam natin ang kahinaan nila sa numero. Ganunpaman, let’s do our share.

Let’s keep these criminals out of business.

Joel M. Sy Egco

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *