Monday , December 23 2024

‘Cha-cha’ ni SB … para sa ekonomiya (daw), bwa ha ha ha

TUWING malapit nang matapos ang termino ng isang pangulo ng bansa, parang pirated DVD o sirang plaka ang pagbuhay sa “cha-cha” – pag-amyenda sa Saligang Batas.

Ano man ang nais na baguhin sa Saligang Batas kahit hindi direktang tinutukoy dito na ang makikinabang ay ang pangulo ng bansa, masasabing isang kasuwapangan sa kapangyarihan ang lahat.

Bakit nga ba gustong-gusto o bakit laging ipinagpipilitan ng maraming bugok este, concerned politicians pala, sa Kongreso ang Cha-Cha? Kikita ba sila d’yan?

He he he … natural este,  hindi naman dahil nga wala nang PDAF  kundi para sa taong bayan lang naman daw ang lahat. Neknek n’yo!

Ngayon, ang bata ni PNoy na si House Speaker Sonny Belmonte ang nagsusulong at determinadong mag-amyenda sa ating Saligang-Batas o Konstitusyon. Nais niyang maamyendahan ang tinatawag na ‘Economic Provisions.’ Ganoon ba iyon at hindi para sa pagpapalawig ng termino ang nais ni Belmonte? Aba good boy! Hindi suwapang ang mama ha. Lalabas din ang kulay niya kapag nakalusot. He he he …

Oo, hindi naman daw sa pagpapalawig sa posisyon ng mga nakaupo ang nais ng dating alkalde ng Kyusi na ngayon nga ay House Speaker. Talaga!?

Tsk tsk tsk … malas yata ni Belmotne, hindi naman bobo ang mga Filipino para ganoon na lamang silang maniwala sa palusot niya.

Iyan lang naman ay kung nagpapalusot lang ang mama. Pero hindi naman yata at sa halip ay talagang para sa ekonomiya ang kanyang hakbangin para sa Cha-Cha.

Sana!

Nais ni Belmonte na ‘galawin’ ang SB (Saligang Batas at hindi Sonny Belmonte ha!) sa  paniwalang malaki raw ang maitutulong nito sa ekonomiya lalo na’t nagbabanta ang kahirapan sa buong mundo. Sana nga totoo ang alibi na ito at hindi patungkol sa ‘powers’ ang nasa likod ng pagsulong sa pag-amyenda. Pero ingat tayo mga kababayan at maging mapagmatyag. Mahirap na.

Pero kung susuriin, kahit na paano, may punto si Belmonte. Lamang,  sana ay hindi ito isang panggogoyo sa sambayanan.

Paulit-ulit na pinagtatalunan ang “cha-cha” sa tuwing malapit nang matapos ang termino ng mga nakaupo — noong panahon ni GMA isinulong din ito pero ‘di umubra. Kaduda-duda raw kasi ang intensyon. May alibi din sila pero hindi nakalusot dahil sa nakikitang intensyon, tila palalawigin ang termino ni dating Pangulong GMA.

Naging isa pa nga sa palusot noon na hindi naman si GMA ang makikinabang kung sakaling magagalaw ang SB, sa halip ang susunod na administrasyon. Mabuti na lamang walang naniwala sa palusot ng nakaraang admin kung hindi paktay tayo. Tulad ng naunang nabanggit, binuhay na naman ni Belmonte ang Cha-Cha –  ang kanyang layunin para raw ito sa mahihirap.

Ayos,  parang totoo ano?!

Ang nakabibilib naman dito, tahimik si PNoy. Hindi nagpapakita ng interes. Gimik? Iyong hindi siya nakikialam o walang pakialam. Paano natin matiyak?! He he he …

Subalit hindi kaya nagkukunwari lang si PNoy – na hindi siya intersado? Ano sa tingin n’yo? Pero ano mga suki, wala nga ba talagang kinalaman si PNoy sa isinusulong ni Belmonte na Cha-Cha? Ewan natin ha. Basta ingat lang tayo at huwag magpapadala sa sweet smile ni Belmonte. Hindi nabubuhay ang bansa sa matamis na ngiti, tandaan n’yo iyan! Mahirap nang malusutan mga kababayan.

Tandaan kapag nakalusot ito – maaaring totoo iyong para sa ekonomiya e paano kung iyong nakatagong adyenda? Tandaan uli, kapag nakalusot, si PNoy pa rin malamang ang magiging pangulo …at ‘pag si PNoy ang pangulo e sino naman ang House Speaker? Sino!? Si Tisoy pa rin. O sino’ng unang nakinabang e di sila-sila at ang mga mahihirap ewan kung kailan naman makikinabang.

Hindi naman siguro at sa halip, mga mahihirap ang siyang unang makikinabang. Kita n’yo naman sa Kyusi ang mga ginawa ni SB. Mga mahihirap daw ang siyang unang nakinabang sa mga mga accomplishment. Oo mahihirap na mga tserman na tumulong sa kanyang career sa Kyusi na ngayon ay mayayaman na.

He he he … hindi naman kundi mga tunay na mahihirap ang nakinabang.

Kung para sa kahirapan lang naman Mr. Speaker, hindi na po kailangan sigurong galawin ang SB sa halip ay ipatupad talaga ang tuwid na daan hindi lamang para kalaban ni PNoy sa politika kundi laban sa lahat.

***

Para sa inyong komento at sumbong, magtext lang sa 09194212599

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *