Friday , November 22 2024

Bakit laging ‘in bad faith’ ang Meralco!?

00 Bulabugin JSY

NALULUNGKOT tayo sa ginagawang taktika ng MERALCO para lansihin o goyoin ang kanilang subscribers/customers.

Aware naman po tayo na bago matapos ang 2013 ay naghain ng pagtataas ng singil per kilowatt hour (kwh) ang Meralco.

Pero may naghain ng petisyon sa Supreme Court para ipataw ang temporary restraining order (TRO) sa taas ng singil. Kinatigan ng Supreme Court ang nasabing petisyon kaya hindi naidagdag ng Merlaco ang kanilang taas-singil.

Heto ngayon ang mapanlansing taktika ng Meralco para maging ‘retro’ ang kanilang paniningil sa consumers.

Habang naka-TRO raw ang kanilang taas-singil ‘e hindi nila ito sisingilin pero kapag na-lift na raw ‘yung TRO ay awtomatikong dadagdag ito sa BILL na dapat bayaran ng consumers.

At mukhang ang taktikang ito ay naiprograma na nila sa kanilang accounting system kaya ang mga bill natin para sa Enero mayroon nang nakalagay na, “deferred, pending resolution of SC TRO.”

Ito po ay parang babala or I may say, ‘blackmail’ sa consumers.

Parang sinasabi ng Meralco na o sige hindi muna namin kayo sisingilin sa taas-singil hangga’t may TRO pero kapag na-lift na ‘yung TRO, ito na ang babayaran ninyo.

Ang siste, muling pinalawig ng Supreme Court ang TRO kaya hindi nagtagumpay ang Meralco na masingil agad ang consumers sa kanilang taas-singil.

Pero ito ang pinaka-trick at panlalansi sa kabila pa ng panlalansi … ang bill natin sa Pebrero ay mayroon nang kasunod na ‘NOTICE FOR DISCONNECTION’ dahil nga hindi natin binayaran ang kanilang ‘deferred bill.’

Obligado ka ngayon na bayaran ‘yan dagdag-singil nila kundi mapuputulan ka ng koryente!

Sonabagan!!!

Kung ikaw ay isang pangkaraniwang consumer na pinagkakasya lang ang kinikita sa pamamagitan ng pagtitipid o pagdadagdag ng pagkakakitaan para mabuhay, sabi nga  ‘nang maayos at marangal’ ‘e talagang mangangarag ka sa ‘notice of disconnection’ dahil ang deferred bill ay katumbas ng BENTE PORSIYENTO (20%) ng dati mong binabayaran.

Saang kamay ng Diyos kukunin ng isang pangkaraniwang consumer ang dagdag na bente porsiyento?

Kahit nga isang negosyante na kumikita nang mas malaki kompara sa isang pangkaraniwang empleyado o manggagawa ‘e mangangarag sa karagdagang 20 porsiyento na ‘yan.

Hindi kaya naiintindihan ng Meralco kung gaano kabigat ang karagdagang 20 porsiyento sa dating bill?!

Ilang beses na bang nagpapakita ang Meralco na ‘in bad faith’ sila sa kanilang consumers?!

Una ‘yung pagpataw ng taas-singil nang walang public hearing.

Ikalawa, ‘yung pagbabanta ng malawakang brownout/blackout dahil hindi raw nila kakayaning pasanin ang gastusin sa pagbili ng emergency power mula sa mga pribadong kompanya kapag hindi sila nagtaas-singil.

At ikatlo nga, ang ‘disconnection notice’ dahil hindi natin binayaran ang ‘deferred bill.’

Sa tatlong pagkakataon na ‘yan na naging ‘in bad faith’ ang Meralco, ang tanong natin, ano ang pwedeng gawin ‘sanction’ ng gobyerno?!

Energy Secretary Petilla, Sir, aba ‘e wala ka d’yan sa pwesto mo para maging spokesperson ng Meralco o maging abogado nila … ipakita mong hindi nagsayang ng tiwala sa iyo si PNoy …

Magtrabaho ka para sa bayan hindi para sa interes ng dambuhalang linta!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *