Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lolo’t lola natagpuang patay sa banyo

030314_FRONT
TADTAD ng pasa sa katawan at duguan ang mag-asawang matanda nang matagpuan ng kanilang 14-anyos apo sa loob ng banyo sa Mabuhay City Subdivision, Brgy. Mamatid, Cabuyao.

Cabuyao, Laguna, kahapon ng madaling-araw.

Sa report ng pulisya, ayon sa salaysay ng apo na hindi na pinangalanan, nagising siya sa lakas ng tulo ng tubig sa gripo sa banyo kaya tiningnan niya ito.

Ngunit tumambad sa kanya ang duguan at wala nang buhay na kanyang lolo at lolang sina Cristuto Supoia, 81, at Leticia Supoia, 78.

Sa imbestigasyon ng pulisya, wasak ang mga upuan sa sala at kusina na marahil ay ginamit sa pagpalo sa mga biktima hanggang sa mamatay.

Sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya kung ano ang posibleng motibo ng pagpaslang sa mga biktima.

Nabatid na kasamang nakatira ng mga biktima sa nasabing bahay ang tatlong apo na may edad 6, 12 at 14.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …