Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sinong senador ang protektor ng Rice Smuggling King na si David Tan?

NABULGAR ang pagkakasangkot ng isang honorable senator sa ilegal na operasyon ng tinaguriang rice smuggling king  na si  DAVID TAN.

Sumambulat ito makaraang masentro kay Tan ang pagbatikos ng media patungkol sa malawakang rice smuggling na idinaraan sa tungki ng ilong ng mga opisyales ng Bureau of Customs.

Sa kabila ng mga kaganapang ito, kataka-takang tahimik na tahimik ang Palasyo ng Malacañang pati na ang mga binansagang “bright boys”ni Pangulong PNoy.

Hindi lamang si Mr. Senator  ang ipinagmamalaking protektor nitong si TAN kundi isa pang matikas na miyembro ng Kamag-anak Incorporated hehehe. Kaya naman pala nakabibinging katahimikan ang nakapangyayari ngayon diyan sa bakuran ng Malacañang.

Salungat ito sa imahe ngayon ng Pangulong PNoy  na iba ang sinasabi sa kanyang ginagawa. Partikular sa isyu ng talamak na katiwalian sa Bureau of Customs.

Going back kay Mr. Senator na BFF ni DAVID TAN, ito umano ang gumapang upang pansamantalang tumahimik ang Senate inquirypatungkol sa rice smuggling at rice hording ng cartel sa bansa.

Of course, pinondohan ni TAN ang reelection bid ni Mr. Senator nitong nagdaang 2013 elections at may pa-bonus pang P5M  worth of  wristwatch na iniregalo naman ni Mr. Senator sa KAPUSO.

Si  Tan din ang inaasahang financier ni Mr. Senator sa darating na 2016 presidential elections na inaambisyon niyang tumakbong bise presidente.

Of course, malapit sa Malacañang si Mr. Senator/play boy. Gets n’yo na po ba dear readers kung sino siya ?  Siya  ang nag-endorse ng NOY – BI  2013?

SEC. ROXAS, PNP INUTIL VS

ILLEGAL GAMBLING

Isang BONG SOLA ang hari sa Rizal partikular sa Antipolo City sa mga sugal na lotteng, bookies sa karera at video karera (VK). Sa bayan ng Cainta sa Rizal pa rin, isang alyas JONIE ang may pasimuno  sa VK at isang  RUDY ABION ang protector.

Ang bookies naman ng STL  Sa Biñan city kay  Edu Reyes sa Sta. Rosa ang bangka ay sina Osel, Tita, Benilda at Jun; sa Cabuyao ay kay Tita din; sa Calamba  kay  Nato, Masongsong, Tita pa rin at mga pulis na alyas Natoat Dave Abcede sa Los Baños; Edwin Ramos sa Victoria; Osel, Tita, atCalauan sa Sta. Cruz, at ke Umbay sa Pagsanjan. Ang lahat ng gambling lords ay nagbibigay ng lingguhang intelihensiya ke Rambo at ke Edwin Olazo, para sa national.

Ang bookies naman ng STL sa LIpa City ay kay Roger sa Bgy. Paraiso,Menard at Jerry sa Bgy. Bolbok at Lodlod, Ronald Lescano sa Bgy. Sabang at Bgy. Antipolo 1, kay Angel sa Bgy. Antipolo 2, Macoy sa Bgy. Munting Pulo, Bgy. San Nicolas at Bgy. Talisay, Carling sa Bgy. Bulacnin, kay  Ottahsa Bgy. Marawoy, at Bgy. Dagatan. Ang sa bayan ng San Jose naman ayNoel Virtucio, Violy sa Taal, Bauan, at San Pascual, Togs sa Alitagtag, Cuenca si Eming at Mandy sa Lemery, Kaka Alvarez sa  Bgy. Talumpok, Tanauan kay Allan Perey, Mike Biscocho,Mario, at Lito, Jun ng Bgy. Bagbag, Tanauan, sa Balayan ay kay alyas Junior, San Juan kay Kap Nelson Dimailig, Mataas na Kahoy ay Kap Randy.

Hindi po kasali diyan Sec. Roxas ang pa-jueteng ng isang alyas SANCHEZsa buong Batangas ng illegal gambling Sec. Mar at PNP Dir General Purisima. Alam na po ng taongbayan ang totoo! Our people had enough, ‘yan ay kung may ilusyon pa rin po kayong maging presidente sa 2016!

***

Makinig sa DWAD 1098 khz “ target  on air’ Monday – Friday 2:00 – 3: 00 PM,  mag txt  sa  sumbong o reklamo 09167578424 / 09196612670 mag email sa  [email protected]

Rex Cayanong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …