KARANIWANG may mga maliliit na pondohang makikita sa mga kanto at kalyeng matao. Kinagigiliwan at pinipilahan ang mga ihaw-ihaw at pritong pagkain dito.
Sa Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) ngayong Sabado, 9:00-10:00 a.m. samahan si Mader Ricky Reyes sa pagtikim ng kwek kwek, banana, at kamote cue, adidas, tsitsarong balat ng manok, puwet at isaw. Ano nga ba ang mga ito?
“Sa pagdami ng mga ihaw-ihaw sa kalye ay minsan pang napatunayan na ang mga Pinoy pagdating sa paghahanap ng ikabubuhay ay matiyaga, maparaan, at matalino,” sey ni Mader.
Aalamin natin kina Bayang Barrios at Noel Cabangon na ang pagtatayo ng sariling kainan na sila at ibang kapwa OPM members ay umaawit para sa mga kumakain.
Kung pangarap naman ninyong magtayo ng maliit na negosyo o magtrabaho sa ibang bansa, tutok lang dahil ipaliliwanag ng mga guro ng Ricky Reyes Learning Institute ang short courses na magagamit ninyo para matupad ang mga pangarap tulad ng Cosmetology, Hotel and Restaurant Services.
Dadalhin naman kayo ng GRR TNT sa Sheridan Resort sa Palawan na angkop na bakasyunan para sa mga turistang local at banyaga.
Sasampolan ni Mader ang malinis, modern, at magagandang bahagi ng hotel, mga katakam-takam na pagkain at hospitality ng management, staff at crew. Isa itong paraiso para sa lahat.
Basta sa GRR TNT, nanonood na kayo’t naaaliw, marami pa kayong mga bagay na matututuhan tungkol sa kabuhayan, kalusugan, at kagandahan.