Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharlene, Jairus, at Francis, may bagong love adventure

ni  Reggee Bonoan

SPEAKING of Wansapanataym , mapapanood ngayong gabi ang teen stars na sina Sharlene San Pedro, Jairus Aquino, at Francis Magundayao sa month-long episode na Si Lulu at Si Lily Liit.

Bibigyang buhay ni Sharlene sa kuwento ang karakter ng dalagitang si Lulu at ang kakambal nitong ubod ng liit na si Lily. At dahil nahirapang magka-anak noon ang kanilang mga magulang ay humiling ang nanay at tatay ni Lulu at Lily sa isang duwende na makabuo sila ng sarili nilang pamilya.

Sa pagtupad ng kanilang pangarap ay panibagong pagsubok ang haharapin ng magkapatid nang matuklasan ng ibang tao ang sikreto tungkol sa kakaibang katangian ni Lily. Paano magbabago ang samahan nina Lulu at Lily sa pagdating nina Harvey (Jairus) at Adrian (Francis) sa kanilang buhay? Ano ang kanilang gagawin sa oras na bumalik ang duwende at magdala ng panganib sa kanilang pamilya?

Makakasama nina Sharlene, Jairus, at Francis sina Paul Salas, Assunta de Rossi, Ron Morales, John Lapus, Desiree del Valle, John Medina, JB Agustin, at Nikki Bagaporo mula sa panulat ni Noreen Capili at idinirehe ni Manny Palo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …