Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paglala ng krimen kasalanan ng PNP

SA HALIP na tumulong, magturo at lumapit sa mamamayan na maging kakampi laban sa krimen, inilayo pa ng Philippine National Police (PNP) ang sarili sa taumbayan.

Sa ngayon, kung hindi matsambahan na mahuli o mapatay nila ang mga kriminal, huli na kung dumating ang mga pulis. After the fact, Post facto, o kapag nabiktima na ang biktima.

Gaya sa panahon ngayon, marami nang nagrereklamo sa sobrang higpit ng requirements ng PNP sa pagkuha ng lisensya at permit to carry ng baril ng sinumang may kakayanang kumuha nito. Hindi ko maintindihan kung saan kumukuha ng LOHIKA itong pamunuan ni PNP CHIEF ALAN PURWISYOMA, ESTE PURISIMA. Mantakin ninyo, mga kanayon, hindi lamang sa mga indibidwal sobrang higpit ang Firearms and Explosives Division ngayon. May nagsumbong sa inyong lingkod na pati sa mga SECURITY AGENCY ay tila kailangan dumaan sa butas ng karayom. Security Agency na ‘yan ha. Ang mga guwardiya ng mga establisyemento ang inaasahan nating poprotekta sa atin kapag wala ang mga pulis. Lalo’t abala ang karamihan sa kanila sa kao-ORBIT , este patrolya pala sa mga kalsada.

Wala yata sa bulakbolaryo, este bokabularyo ng PNP ang salitang MULTIPLIER EFFECT. Ang mamamayan ay maaaring maging aktibong kaakibat ng law enforcement agencies sa tamang pamamaraan. Marami sa atin ngayon, kagaya ko, na hindi na umaasang darating sa oras ng pangangailangan ang isang alagad ng batas lalo na at tila mas TUSO pa sa kanila ngayon ang mga kriminal.

Kung epektibo ang kampanya ng gobyerno sa paghihigpit sa pagmamay-ari at pagdadala ng baril ng mga RESPONSIBLE GUN OWNER, bakit araw-araw napakaraming kaso ng krimen na sangkot ay baril din? Aber!? Pakisagot nga, mga magigiting na sir at mam.

Pakiusap ko sana na pakiusapan n’yo rin ang mga kriminal na ‘yan na irehistro naman ang mga baril nila. Kaya ba? Sa tingin niyo? Agrabyado kasi kaming masyado. Mahigpit kayo sa amin pero wala naman kayong assurance na protektado kami sa mga ganyang insidente at pag-atake.

Baluktot ang mga isip. Walang common sense kayo!

ASAWA NG MALACAÑANG OFFICIAL

BIKTIMA NG RIDING IN TANDEM

O, mga sir at mam sa PNP, nitong isang araw, nabiktima ng riding in tandem holdup itong s G. CESAR ESGUERRA na asawa ni Ate Susan Esguerra na secretary ni USEC REY MARFIL sa Presidential Communications Office.

Nagpakarwas lamang si G. Esguerra sa kanto ng VG Cruz at Honradez St., sa Sampaloc, Manila nitong Huwebes ng umaga nang matiyempohan ng dalawang tarantadong holdaper. Random target. Naglipana sila at sa kalsada na namimili ng bibiktimahin.

Anong klaseng pagbabantay ang ginagawa ninyo?

Nakuha kay Mr. Esguerra ang isang gintong kwintas at isang bracelet na nagkakahalaga ng P80,000.

‘Yung P80,000 makabibili ka na ng isang pistol na puwede mong iputok sa mga damuhong halang ang kaluluwa pagtalikod nila. Hik hik hik.

SINO PA BA ANG LIGTAS NGAYON?

Joel M. Sy Egco

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …