Friday , January 10 2025

Mag-ina tinodas dahil sa sabon ng motel (Mister arestado)

KULONG ang suspek sa pagpatay sa mag-ina matapos arestuhin ng operatiba ng Taguig police, sinasabing ka-live in ng ginang, sa Taguig City, inulat kahapon.

Iniharap kay Taguig City Mayor Lani Cayetano ni Senior Supt. Arthur Felix Asis, hepe ng Taguig police, ang suspek na kinilalang si Danny Bellono, 45, ng 7 Mini Park, Fort Bonifacio.

Ani Sr. Supt. Felix Asis, selos ang  motibo sa pagpaslang na ikinamatay sa mag-inang Jonalyn, 27, at Gwen Angel Gantiao, 4-anyos, na natagpuang patay sa bakanteng lote, malapit sa Treston International College, C-5 Road, Fort Bonifacio, Global city, kamakalawa, dakong ng 6:00 ng umaga.

Sa imbestigasyon ng mga tauhan ni Chief Insp. Benito Basilio, Jr., hepe ng Investigation and Detective Management Section, nagtalo ang ginang at ang suspek nang matuklasan ng lalaki sa loob ng handbag ng ka-live-in ang sabon may tatak ng pangalan ng motel.

Nahuli ang suspek makaraang lumutang ang isang testigo na nakakita sa pag-aaway ng dalawa na nauwi sa pamamaslang ng suspek, dakong 10:00 ng gabi nitong Miyerkoles.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *