Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cristine, nakikipagbalikan kay Rayver (Rayver, ‘di na tinanggap ang aktres)

ni  Reggee Bonoan

SAYANG at hindi kami nakarating sa finale presscon ng Honesto kahapon para sana natanong si Cristine Reyes tungkol sa tsikang binabalikan niya ang ex-boyfriend na si Rayver Cruz.

Ang tsika sa amin ay nakipagkita raw si Cristine kay Rayver bago mag-Valentine’s Day para makipagbalikan, pero hindi na tinanggap ng aktor ang aktres dahil mas magandang maging magkaibigan na lang sila.

Dagdag kuwento pa, “love na love pa ni AA si Rayver at inamin naman na siya ang nagkamali at sana maging okay na ulit sila at nangakong hindi na uli magiging pasaway.

“Eh, umayaw na si Rayver kasi naka-move on na raw siya at hanggang friendship na lang ang mai-offer niya kay AA.”

Pero hindi naman daw itinanggi ni Rayver na mahal pa rin niya ang dating karelasyon, ‘yun nga lang, ayaw muna nitong magka-dyowa.

May isang kuwento pang nakarating sa amin na madalas daw magkasama ngayon sina Rayver at Cristine dahil ang aktres mismo ang nagre-request sa aktor na samahan siya. Susme, eh, ‘di parang may mutual understanding ulit sila? Sana lang maging honest si AA sa tsikang siya mismo ang bumalik kay Rayver na hindi naman siya tinanggap since malapit na rin lang naman magtapos ang seryeng Honesto nila nina Paulo Avelino at Raikko Mateo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …