MINALIIT ni Justice (DoJ) Secretary Leila de Lima ang banta ni Sen. Jinggoy Estrada na harangin ang kanyang kompirmasyon sa Commission on Appointments (CA).
Ayon kay De Lima, ang mahalaga ay ang kompiyansa at tiwala ni Pangulong Benigno Aquino III at ng taongbayan sa kanya bilang kalihim ng DoJ.
“If that is the price I have to pay for doing my job, so be it,” ani De Lima.
Hindi aniya dapat maghari-harian si Sen. Estrada dahil ginagampanan lamang niya ang kanyang tungkulin lalo na sa kontrobersyal na pork barrel scam.
Napag-alaman, bukod kay De Lima, kabilang din sa nais harangin ni Estrada sa CA ay si CoA Commissioner Heidi Mendoza.
Naniniwala ang senador na sina De Lima at Mendoza ay kapwa may malaking papel para madiin siya sa kontrobersyal na multi-billion peso pork barrel scam.
(CYNTHIA MARTIN)