Thursday , November 14 2024

500 pulis nagpabaya sa pamilya

UMAABOT sa 500 pulis ang inireklamo dahil sa nagpapabaya sa kanilang mga pamilya.

Ito ay batay sa datos ng Philippine National Police (PNP) Women and Children Protection Center.

Naaalarma ang PNP sa pagtaas ng bilang ng mga pulis na hindi nagbibigay ng sustento.

Nabatid na noong 2013, nasa 542 pulis ang inireklamo ng abandonement at non-support, mas mataas kompara noong 2012 na 327 lamang.

Ayon kay Senior Supt. Juanita Nebran, hepe ng Women and Child Protection Center, hindi lang galing sa mismong legal wife at mga anak ang reklamo na kanilang tinatanggap kundi pati na rin sa mga nabuntis na ibang babae.

Sinabi ni Nebran, nadadaan sa magandang usapan kapag pinagharap ang inirereklamo at nagrereklamo gaya ng settlement na boluntaryong ibigay na lang ng isinusumbong na pulis ang ATM sa kanyang misis.

Ngunit ang PNP chaplain service, at “divine intervention” ang technique para mapatino ang ilang mga pulis.

Sa bisa ng memo na inisyu ng PNP chief, ikakasa ng chaplain service ang pagsasagawa ng pastoral visit sa lahat ng istasyon ng pulisya at baka madaan sa konsensiya ang mga nagpapabaya sa pamilya.   (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *