Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

5-anyos patay sa tuklaw ng ahas (Ina sugatan)

KORONADAL CITY – Patay ang 5-anyos batang lalaki matapos tuklawin ng diamond snake sa Purok Riverside sa Brgy. Cacub sa lungsod ng Koronadal.

Kinilala ang biktimang si Jason Mercaral, residente ng naturang lugar.

Inihayag ni Kapitan Edgar Cabardo, tumawag sa kanya ang kanyang purok president at kinompirmang tinuklaw ng malaking ahas ang bata habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay kasama ang kanyang ina at kapatid.

Ayon pa sa opisyal, nakarinig ang mag-ina ng hazing sound mula sa isang puno ng saging at bigla lamang lumabas at tinuklaw ang bata habang tinangka pang puluputan.

Samantala, sa salaysay naman ng kanyang ina na si Maria Anita Alcaral, kasing-laki aniya ng puno ng kawayan ang ahas na tumuklaw sa bata.

Sinabi pa ni Anita, pagkatapos tuklawin ang kanyang anak ay siya rin ang sumunod na inatake ng makamandag na diamond snake ngunit hindi siya napuruhan.

Agad dinala sa pagamutan ang mga biktima ngunit hindi nagtagal ay binawian ng buhay ang paslit.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …