Friday , January 10 2025

2 Pinoy dedo sa Qatar gas explosion

KINOMPIRMA ng Philippine Embassy sa Doha, ligtas na ang dalawang Filipino na kasamang nasugatan sa nangyaring gas tank explosion sa isang Turkish restaurant sa Qatar.

Habang patuloy na bineberipika ng department of forensic sa Qatar ang pagkakakilanlan ng dalawang Filipino na kabilang sa 12 namatay sa naturang pagsabog ng tangke.

Samantala, kinilala ng Philippine embassy ang dalawang sugatan na sina Philip Reyes at Frederick Viscano na agad ding nilapatan ng lunas.

Ipinaaabot nina Reyes at Viscano sa kanilang pamilya sa Filipinas na maayos ang kanilang kalagayan kaya huwag nang mag-alala sa kanila.

Patuloy pang iniimbestigahan  ng Qatari authorities kung ano ang sanhi ng pagsabog.

Ngunit lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na ang pagsabog ay nagdulot ng partial collapse ng Istanbul Restaurant.

Ito ang dahilan kung bakit nadamay ang mga customer, kawani, at mga taong dumadaan lamang sa lugar.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *