ni LETTY G. CELI
PAANO iuugnay ang saranggola sa pagkatao ni Vice Ganda at mga co-host ng kanilang noontime show sa ABS-CBN, na Its Showtime sa episode ng PoGay?
Sa talent ng contestant na may pahuhulaan na isang bagay na may takip na tela na nakapatong sa mesa or mataas na box na ‘pag inalis ang takip na tela, itatanong ni Vice kung paano ikokonek o iuugnay ang object na inalisan ng takip sa buhay ng contestant? Dito ibabase ang panalo kapag maganda at tama ang sagot. Bagay kay Vice Ganda ang saranggola or in English, kite. Isang uri ng laruan ng bata, binatilyo, nagbibinata or matandang lalaki , made of papel de hapon, iba-ibang kulay, iba-ibang hugis at size, pwedeng bilog, kudrado or nasa gumagawa kung anong korte ang gagawin na made of walis tingting or tinilad,pahaba, manipis na kawayan na medyo bata pa para malambot na pwedeng baliin.
Babalutan ng glue, patutuyuin, then isang rolyo ang piso na nakapulupot sa kinayas na kahoy or lata ng gatas para hindi magkabuhol-buhol.
Dadalhin ng magpapalipad sa isang open space, para libre at maluwag ang paliparan at ang ganda ng lumilipad na saranggola, pataas ng pataas habang pinipigilan ng may hawak ng pisi. Eh ano nga ba ang koneksiyon nito kay Vice Ganda?
Well, mula sa zero, maunlad na ang komedyana, certified comedian na ang tatak niya. Bago siya tumaas, umangat at nagmistulang saranggola, sandamakmak na kahirapan ang pinagdaanan niya para makakain ng tatlong beses a day, pinagtatrabahuhan muna niya kesehodang magkabali-bali ang murang katawan sa pagbubuhat ng mabigat, sa mga lugar na may taong tatawag sa kanya at magpapatulong na buhatin ang dala-dalang bagahe.
Ang laki ng pasasalamat ni Vice dahil nakapag-aral siya dahil sa lola niya, naging inspirasyon kay Vice ang kahirapan kaya ang kasipagan ang kanyang instrumento at ginawa niya ang lahat na makatutulong sa kanyang pag-angat. Pero destiny na rin ang umayon kay Vice dahil blessings sa kanya ang pagiging bakla na nagamit niya sa mga pagsisimula sa larangan na kinalalagyan niya ngayon—ang showbiz.
Siguro raw siya at hindi niya ipinagkaila at ikinahiya na siya ay bading. Katulad ng ginagawa ng mga poging kalahok sa Pogay sa It’s Showtime, sapul noon hanggang sa kasalakuyan, wala ng makapipigilsa kasikatan ni Vice hindi lang sa TV, sakop na niya basta entertainment, nakailang pelikula na siya na blockbuster sa takilya recently. Tumabo sa mga sinehan ang pelikulang Girl Boy Bakla Tomboy, na apat ang karakter niya. Walang kasawaan ang mga viewer ng Showtiume’ at ang Sundays show niya na Gandang Gabi Vice grabe rin ang mga ineendoso na iba’t ibang produkto.
Ayaw din siyang tantanan ng mga live show sa ilang gaybars at ang out of the country concert. Isinusulat namin ito ay nasa California, USA ang bakla dahil may ilang gabing concert na gagawin kaya absent siya sa Its Showtime’.
Kumusta ang love life ni Vice? Grabe raw, very successful walang palya. Parang theraphy ang lovelife at sexlife sa kanya. Paano pa raw ang pagre-relax niya dahil super alala siya sa kadatungan kahit kinokontrol muna niya at ng manager niya na tumanggap pa ng maraming trabaho eh hindi mapigilan ang mga offer, maghihintay ang mga nag-o-offer ng work. Eh, ‘yan batayan ng koneksiyon ng saranggola pataas ng patas kahit kinokontra ang pising may hawak.
Si Vice, payabong ng payabong, padatung ng padatung. Ayaw munang tumanggap ng trabaho para makapag-relax. Willing to wait at para makasiguro sila, natural may advance payment na ‘yan, totoo, pinagpapala tayo ng Diyos, pero ilan lang ang sinusuwerte.
Vice at Karylle, okey na!
OKEY na ‘yung tampuhan nina Vice Ganda at Karylle. Pinatawad na ni Vice ang kaunting tampo, siya pa ang nagpatawad kaysa pinatawad. Sabagay tampong uhog lang ‘yun.
Ang dyowa ni Karylle na si Yael Yuson, ang cute soloist ng Spongecola eh hindi pala type ‘yung pagka-team sa show nina Vice at Karylle. Grabe, eh, sikat si VG, hindi basta-basta sa showbiz at saka tanggap na ang bakla sa sirkulo ng showbiz.