Friday , January 10 2025

P400-M ninakaw ng ATM fraud syndicates

UMABOT na sa P400 milyon ang ninakaw ng mga sindikato na sangkot sa ATM fraud sa bank deposits sa loob ng dalawang taon.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Anti Cyber Crime Group Director, Senior Supt. Gilbert Sosa, batay sa kanilang datos noong 2012, nasa P175 million na ang ninakaw ng mga sindikato at noong nakaraang taon ay umabot na sa P220 million ang naiulat na ninakaw.

Ibinunyag ni Sosa, kalimitan na ikinakabit ng mga sindikato ang ginagamit nilang skimming plate, tuwing gabi o ma-daling araw.

Sinabi ni Sosa, mayroon na silang sinusundang tao o grupo na sangkot sa ATM fraud.

Samantala, ayon kay PNP  PIO, Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, iniimbestigahan na ng PNP Anti-Cyber Crime group ang naarestong si Lt. Senior Grade Raphael Marcial na nakompiska-han ng blankong ATM cards at scanner machine.

Ayon kay Sindac, may nabanggit na grupo si Marcial ngunit tumanggi ang opisyal na detalye sa media para hindi maapektohan ang ilulunsad na operasyon.

Inalis na si Marcial sa Presidential Security Group at nasa kustodiya na ng kanyang mother unit, ang Philippine Navy.

Pagtitiyak ni Sosa, ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang masugpo ang ATM fraud.

About hataw tabloid

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *