Friday , January 10 2025

Kelot tumalon sa footbridge dedo sa ospital (Bahay inagaw ng madrasta)

PATAY ang 26-anyos lalaki makaraang tumalon mula sa footbridge ng EDSA Rotonda kahapon ng umaga sa Pasay City.

Agad dinala ng mga tauhan ng Pasay Rescue Team ang biktimang si Romuel Joves ng Block 10, Lot 12, Kalayaan Village, Brgy. 201, sa Pasay City General Hospital ngunit binawian  ng buhay makaraan ang tatlong oras dahil sa pinsala sa ulo at pagkabali ng hita.

Base sa imbestigas-yon ni SPO3 Allan Valdez, dakong 8 a.m. nang mangyari ang insidente habang patungo ang biktima at kanyang inang si Lude Briones, 66, sa paga-mutan upang magpati-ngin kaugnay sa dina-ranas na depresyon.

Bago ang insidente, kumain muna sa fast food restaurant ang mag-ina at matapos kumain ay umakyat sa hagdanan patungong MRT ang biktima na agad sinundan ng ina.

Nagulat na lamang ang ginang nang biglang yumakap ang anak sa footbridge na nag-uugnay sa MRT at LRT at biglang tumalon.

Nagsimula ang dinaranas na depresyon ng biktima mula nang paalisin sila sa tinitirhang bahay at lupa ng kinakasama ng kanyang ama na humantong sa demandahan.

Ang biktima ang palaging dumadalo sa pagdinig sa kasong naka-binbin sa Pasay City Regional Trial Court (RTC).

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *