Friday , January 10 2025

3-anyos paslit patay sa escalator ng Binondo mall

NAMATAY ang 3-anyos batang lalaki nang maipit ang kamay sa escalator ng 999 Mall sa Binondo, Maynila nitong nakaraang Lunes.

Ayon sa kapitbahay na si Jennilyn, kasama niya ang biktimang si Ivan at ang ina ng bata habang tumitingin sa shoe stalls sa 2nd floor nang mangyari ang insidente.

Salaysay ni Jennilyn, kumawala ang bata mula sa pagkakahawak ng ina at naglaro malapit sa escalator.

Lumingon lamang aniya ang ina kay Ivan at ipinagpatuloy ang pagpili sa mga sapatos.

Makaraan ang ilang minuto, sinabi ni Jennilyn na narinig nila ang malakas na sigaw ng mga tao na nakasaksi sa pagkahulog ng biktima.

Aniya, limang minuto siyang hindi nakakilos dahil sa matinding pagkabigla.  Pagkaraan ay nabatid niyang isinugod ang biktima sa pagamutan.

Dagdag ni Jennilyn, nabatid niyang naipit ang kamay ni Ivan sa escalator at nakaladkad paibaba sa first floor.

Gayonman, sa im-bestigasyon ng pulisya, nabatid na habang naglalaro ang biktima sa dulo ng escalator, siya ay nahila at nahulog.

Si Ivan ay binawian ng buhay dakong 7 a.m. kamakalawa dahil sa matinding pinsala sa kanyang ulo.

About hataw tabloid

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *