Monday , December 23 2024

Palasyo gigitna sa Manila gov’t vs truckers’ group

022714 truck ban strike

NAGMATIGAS ang ilang grupo ng truckers sa isinasagawa nilang ‘truck holiday’ bilang protesta sa ipinatutupad na daytime truck ban ng Manila government kaya nagtambakan ang container vans sa Pier na nagresulta sa pagkalugi ng mga mangangalakal. (BONG SON)

AMINADO ang Palasyo na hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ng pinakamainam na solusyon ang pamahalaan para ayusin ang iringan ng Manila city government at truckers group kaugnay sa implementasyon ng truck ban sa lungsod.

“Everyone is looking for ways to move forward or at least find a compromise agreement,” ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Tinawagan na aniya ng tanggapan ni Cabinet Secretary Rene Almendras ang kaukulang national government agencies upang maghanap ng mga paraan para maplantsa ang nasabing isyu.

Inatasan aniya ng Malacanang si Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino para kausapin si Manila Mayor Joseph Estrada, habang si Philippine Ports Authority (PPA) chief Juan Sta. Ana ang makikipagdayalogo sa truckers group.

Walang binanggit si Valte kung hihimukin ng Palasyo si Estrada na bawiin ang implementasyon ng bagong truck ban.

“Pareho silang well-meaning, may kanya-kanyang dahilan. Ang task natin is to help them come up with a compromise acceptable to both of them,” ani Valte.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *