Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mark, humingi ng tawad kay Ynna (Sa pagkakaroon ng anak sa ibang babae)

 Ed de Leon

HUMINGI ng tawad si Mark Herras sa kanyang dating girlfriend na si Ynna Asistio at maging sa mga magulang niyon, matapos niyang aminin na ang dahilan ng kanilang split ay ang pagkakaroon niya ng anak sa ibang babae, habang on pa silang dalawa ng kanyang ex girlfriend. Inamin na rin ni Mark na mayroon na nga siyang isang anak na babae na tatlong buwang gulang na, na may pangalang Ada. Pero hindi inamin ni Mark kung sino ang nanay ni Ada.

Matagal na iyang tsismis na iyan. Noon pa naman kumalat iyan. May tsismis pa nga noon na ang nanay daw ng kanyang anak ay isa sa mga handler ng kanyang career. Pero tahimik si Mark sa mga bagay na iyon, after all hindi naman niya pinakasalan ang nanay ni Ada. Ibig sabihin niyon, may problema pa. Baka nga nangyari lang ang lahat dahil nagkabiglaan sila. Kung minsan ang madalas na pagsasama sa mga lakaran ay may ibinubungang pagkabigla, pero hindi mo nga masasabing may love roon.

Noong mga panahong nabuntis ni Mark ang nanay ni Ada, imposibleng hindi rin alam noon ang relasyon ng actor kay Ynna. All over naman kasi ang publisidad ng affair na iyon. Ibig sabihin, tanggap naman ng nanay ni Ada kahit na nga alam niyang in love si Mark sa iba.

Pero nangyari na nga iyan eh. Noong una ikinakaila ni Mark dahil nga siguro sa takot na maapektuhan ang kanyang career. Ewan naman kung sino ang nagpaniwala sa mga iyan na masisira ang kanilang career kung aaminin nilang may anak na sila. Napakarami ng nangyaring ganyan kahit na noong araw, pero nakasira ba talaga sa career nila kung may anak sila? Kagaya rin iyan ng paniniwala noong araw na lulubog na ang isang artista kung may asawa na. Pero nangyayari ba iyon?

Palagay naman namin may may karangalan iyong mga artistang lalaking umaamin na may anak na sila, kaysa roon sa hindi man umamin ng diretsahan ay alam naman ng mga taong kabit ng mga bakla.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …