Sunday , December 22 2024

Illegal recruiter arestado sa Rizal

ARESTADO sa entrapment operation kahapon sa Rodriguez, Rizal ang 32-anyos hinihinalang illegal recruiter makaraang ireklamo ng 17 sa 70 niyang mga biktima na pinangakuan ng trabaho sa Canada.

Kinilala ni Supt. Samuel Delorino, hepe ng Rodriguez Police, ang suspek na si Anna Marie Consulta y Carinan, 32, nakatira sa #20 Amorsolo St., San Lorenzo Village, Brgy. San Lorenzo, Makati City.

Ang suspek ay inireklamo ng illegal recruitment ng mga biktimang sina Aldrine Lavitoria, Leonila San Juan, Marvin Garcia, Alvin Magat, Armando Guileen, Mark Vicente, Angelo Garci, Eliseo Rivera, Rolando Domingo, Analina Adriano, Darwin Olino, Mary Jane Inocentes, Norman Daguno, Jonathan Asiong, Amadeuz Bondalian at Ana Clariz Bondalian, pawang nakatira sa bayan ng Rodriguez.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Noel Pineda, naaresto ang suspek dakong 4 p.m. kamakalawa sa ikinasang entrapment operation sa E. Rodriguez Highway, Brgy. San Jose ng nabanggit na bayan.                      (ED MORENO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *