Sunday , December 22 2024

Bukol ni Napoles nalipat sa matris

022714 napoles

SI Janet Lim Napoles, sinasabing utak ng pork barrel scam, habang sinusuri ng doktor sa Philippine National Police General Hospital sa Camp Crame, Quezon City. (RAMON ESTABAYA)

AGAD ibinalik sa kanyang detention facility sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa Laguna ang kontrobersyal na negosyanteng si Janet Lim-Napoles matapos ang ilang oras na medical check-up sa Camp Crame.

Tiniyak ni Chief Supt. Alejandro Advincula, Jr., hepe ng PNP-Health Service, ‘hindi alarming’ ang kondisyon ng kalusugan ni Napoles.

Aniya, may cyst si Napoles sa kanyang uterus ngunit hindi ito maituturing na life threatening.

“Yung bukol po na nakita noon ay hindi namin nakita ngayon. Initially ang impression doon ay right ovarian cyst, ngayon naman may bukol pero hindi naman sa ovary, sa may uterus naman,” saad ni Advincula. (DANG GARCIA)

P120K GASTOS SA BIYAHE NI NAPOLES

UMABOT sa P120,000 ang ginastos ng PNP sa muling paglabas ni pork barrel scam leader Janet Lim Napoles sa kanyang kulungan sa Fort Sto. Domingo, Sta. Rosa, Laguna kahapon para sumailalim sa medical check-up sa Kampo Crame.

Ayon kay PNP PIO chief, Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, ang nasabing gastos ay ginamit para sa pagkain ng police personnel na nag-escort kay Napoles, gasolina at para sa iba pang mga gastusin papunta ng Camp Crame at pabalik ng Fort Sto. Domingo.

Aminado si Sindac na lahat ng transportation expenses ay mula sa operational fund ng PNP.

Dagdag ng opisyal, dahil may banta sa buhay ni Napoles na ikinokonsiderang high risk detainee ay kailangan i-maximize ang bilang ng security escorts.

NAPOLES ILIPAT SA REGULAR JAIL — CHIZ

MULING nanawagan kahapon si Senador Francis “Chiz” Escudero na ilipat na si Janet Lim Napoles sa regular jail bunsod ng hindi ‘pagkanta’ kaugnay sa kinasasangkutang multi-billion-peso pork barrel scam.

Si Napoles, itinuturing na mastermind scam, ay kasalukuyang nakapiit sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna dahil sa kasong serious illegal detention charge na isinampa ni whistleblower Benhur Luy.

Sinabi ni Escudero, si Napoles, nahaharap din sa kasong plunder sa Ombudsman kaugnay sa scam, ay hindi na dapat pang ikulong sa Fort Sto. Domingo.

Ipinunto ni Escudero, kung totoo ang sinasabi ni Napoles na wala siyang nalalaman kaugnay sa pork barrel scam katulad ng sinabi niya sa kanyang pagdalo sa Senate Blue Ribbon Committee noong nakaraang taon, wala siyang dapat na ikatakot sa kanyang buhay.

“Hanggang ngayon ang panawagan ko at hiling ko dapat ilagay na sa ordinaryong kulungan si Napoles. Dahil ang pagkakaunawa ko kaya siya inilagay at tinago doon dahil magsasalita siya laban sa makapangyarihang tao sa gobyerno,” ani Escudero.

“E hindi naman pala siya magsasalita at wala naman pala siyang naaalala, ‘e ‘di sinong mananakit sa kanya?” dagdag pa ng senador. (CYNTHIA MARTIN/NIÑO ACLAN)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *