Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bangkaroteng motel ginamit na drug, prosti den

DALAWA  katao  ang  arestado matapos mahulihan ng ipinagbabawal na droga sa sinasabing pugad ng prostitusyon na motel, sa isinagawang raid ng mga awtoridad sa Caloocan City, kamaka-lawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Noel Fernandez, ng 3rd Avenue, BMBA, Brgy. 118 ng lungsod at isang Jerome Octubre, nasa hustong gulang, ng Brgy. Maysan, Valenzuela City, na umano’y mga suki ng Venus Hotel, kapwa nakuhanan ng shabu at drug paraphernalia.

Isinagawa ang raid dahil sa mga sumbong na umano’y pugad ng prostitusyon at bentahan ng droga ang nasabing hotel, nasa kanto ng 2nd Avenue at Rizal Avenue Extension, ng lungsod.

Pinagpapaliwanag ang may-ari ng hotel na sina Wilson at Bong Woo, tungkol sa sumbong na ginagamit ang hotel bilang bagsakan at gamitan ng ipinagbabawal na droga.

Natuklasang matagal nang paso ang business permit ng nasabing hotel kaya agad itong ipinasara ng pamahalaang lungsod.

(rommel sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …