Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Senglot na parak nag-Rambo sa fastfood (Casino dealer binaril)

ARESTADO ang lasing na pulis matapos mag-ala-Rambo at barilin ang isang casino dealer na kanyang nakabanggaan sa trapiko saka nanutok ng baril sa loob ng fastfood chain,  sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si PO1 John Rhyan Tenebro, residente ng Caloocan City, nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP) 2 ng Mala-bon Police, nahaharap sa frustrated homicide, three counts ng  grave threat at slight physical injuries.

Sa nakarating na ulat kay P/Sr. Supt Rhoderick Armamento, hepe ng Valenzula Police, dakong 11:00 kamakalawa ng gabi, nang maganap ang insidente sa tapat ng fastfood chain sa  McArthur Highway, Brgy. Marulas ng nasabing lungsod.

Dumating umano sa parking area ng fastfood ang lasing na pulis, sakay ng kanyang motorsiklo, kasabay nila ang mga biktimang sina Nia Dianne Galvan, 23-anyos, casino dealer, at Yogi Ong, 22, na nauna nang nakasagutan ng suspek dahil sa away-trapiko.

Dahil  lasing ang pulis, hindi siya pinansin nina Galvan at Ong kaya pinaandar na ang kanilang motorsiklo para umiwas, pero agad nagpakawala ng dalawang putok si Tenebro na tumama sa kaliwang hita ni Galvan.

Matapos ang pama-maril, pumasok ang suspek sa Jollibee at doon nanutok ng baril  sabay hataw sa 22-anyos na si Drealyn Alere,  isa sa mga kostumer, pinadapa at pinagsisipa ang mga kumakain kabilang si P/Chief Inspector Renante Lambojo, ng Caloocan Police.

Pinagtulungang dakmain ng mga kustomer na kinabibilangan  ni Peter Mangadillo, 43, ang la-sing na pulis  na si Tenebro kaya mabilis na na-aresto.               (r. sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …