KRITIKAL ang kalaga-yan ng dating barangay chairman matapos tambangan ng hindi nakilalang riding in tandem, habang tumatawid ang sasakyan ng biktima sa isang tulay, sa Malabon City, kahapon ng umaga.
Inoobserbahan sa Manila Central University (MCU) hospital ang biktimang kinilalang si Antonio Criss, Sr., 60-anyos, negosyante, ng Mapalad St., Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod, sanhi ng tama ng bala ng kalibre .45 sa leeg, habang nakaligtas ang dri-ver na hindi pinangala-nan ng pulisya.
Sa ulat ni PO3 Rommel Habig, may hawak ng kaso, dakong 9:20 ng umaga nang maganap ang insidente sa Sanciangco St., ng nasabing lungsod.
Sakay sa likuran ng kanyang Crosswind na puti (ZUT-265) ang biktima galing sa hearing sa isang kaso sa Justice Hall sa Brgy. Catmon sa lungsod at pauwi na sa kanilang bahay nang su-mulpot sa likuran ng kanilang sasakyan ang isang motorsiklo sakay ang tandem at walang sabi-sa-bing pinagbabaril ang biktima.
Mabilis tumakas ang mga suspek sakay ng hindi naplakahang motorsiklo habang isinu-god sa pagamutan ang biktima na nasa kritikal pang kalagayan.
Sinisilip ang anggulong may kinalaman sa politika ang sanhi ng pananambang.
(rommel sales)