Monday , December 23 2024

Koleksyon ng Customs bumagsak (Sa ikalawang araw ng truck ban ni Erap)

022614_FRONT

LUMAGAPAK ang revenue collections ng dalawang port operations ng Bureau  of Customs (BOC) sa unang araw ng implementasyon ng truck ban sa Lungsod ng Maynila.

Sinabi ni Customs Commissioner John Sevilla, base sa reports ng Port of Manila (PoM) at Manila International Container Port (MICP) na apat lamang container vans ang nai-release nila sa MICP noong unang araw ng implementasyon ng truck ban habang wala naman lumabas na container van sa POM mula sa average na lumalabas na 1,200 container vans kada araw mula February 1-21.

Dahil sa kapiranggot na bilang na  lumabas na container vans, mula sa P360 milyon na kita ng MICP ay nakakolekta lamang ng P262.8 milyon o 27% habang 134.4 milyon na lamang ang nakolekta ng POM mula sa dating P253 milion kada araw o 47% na lamang.

“While there are conditions and factors that are beyond the control of the Bureau of Customs, we are ready to adjust to the needs of importers and other stakeholders,” ayon kay Customs Commissioner John Sevilla.

Sinabi ni Sevila na nakipagpulong na rin sila sa kanilang mga apektadong stakeholders, kabilang ang Port Users Confederation, Asian Terminals, Inc., at ang International Container Terminal Services, Inc., na nagpapatakbo sa operasyon ng  POM at  MICP.

Matatandaan na nitong Lunes ay nagpatupad ng truck ban ang Manila City government.

(B. GEM BILASANO/LEONARDO BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *