ARESTADO sa entrapment operation ng Manila Police ang isa sa mga suspek sa sunod-sunod na panga-ngarnap ng mamahaling sasakyan sa Lungsod ng Maynila, inulat kahapon.
Nakatakas ang sinasa-bing mastermind na si Ber-nabe Corale, ng General Tinio, Nueva Ecija, na nakaramdam na mga pulis ang kanilang katransaksyon.
Ayon sa report ni S/Insp. Rommel Geneblazo, pinuno ng MPD Anti –Carnap-ping Unit, kinilala ang suspek na si Jear de Vera, 25, ng General Natividad 1-A Talabutab Norte, Nueva Ecija.
Ani Geneblazo, kakasuhan si De Vera ng robbery extortion matapos humingi ng P35,000 mula sa biktimang si Sister Nieves Robillos ng Cardinal Sin Village Park, Sta. Ana, para ibalik ang ninakaw na behikulo ng biktima.
Nitong February 14, 2014 inalarma ng madre ang pulisya hinggil sa pagkawala ng kanyang Tamaraw FX (GHJ-243) noong February 13, 2014.
Nabatid kay Geneblazo na nag-text umano sa madre ang mga suspek ngunit pinakiusapan ng madre na kunin na lamang sa kanilang bahay ang pera dahil siya ay may sakit.
Lingid sa kaalaman ng mga suspek, mga pulis na ang kanilang katransaksyon kaya agad na isinagawa ang entrapment sa paanan ng Lambingan Bridge, harap ng Petron Gasoline Station, Sta Ana, Maynila dakong 7:00 ng gabi. (leonard basilio)