Nilooban ng hinihinalang apat miyembro ng Martilyo Gang ang tindahan ng alahas sa ground floor ng Farmers Plaza, Cubao, Quezon City, dakong 9:45 kahapon ng umaga.
Nabatid na dalawa sa mga suspek ang pumasok sa First Allied Emporium habang nakaabang ang dalawa pa sa labas ng mall, sakay ng dalawang hindi naplakahang motorisklo.
Sa panayam, sinabi ng gwardiya ng katabing pawnshop na nagpaputok ang mga suspek ma-lapit sa EDSA para ma-kalusot sa trapik at makatakas.
Salaysay ng sekyu, posibleng may natangay ang mga suspek dahil tila may laman ang bag ng isa sa kanila na tinatayang nasa 25 hangang 30-anyos na nakasuot ng stripes na damit.
Samantala, nabatid na hindi nakuhaan ng closed circuit televison (CCTV) camera ng First Allied Emporium ang pagpasok ng dalawa sa apat na kawatan.
Ayon sa pamunan ng Araneta Canter, makiki-pagtulungan sila sa imbes-tigasyon ng QCPD upang maresobla ang kaso at mapaigting pa ang seguridad at maiwasan ang katulad na insidente.