Friday , November 15 2024

Gen. Sarmiento sa CHR tinutulan sa SC ng militante

022614 SC CHR

DUMULOG sa Supreme Court ang mga miyembro ng grupong Samahan ng Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (SELDA), upang hilingin ang pagpapawalang bisa sa pagkakatalaga kay PNP Gen. Lina Castillo-Sarmiento bilang pinuno ng Human Rights Victims Claims Board.  (BONG SON)

HINILING ng Martial Law victims kahapon sa Supreme Court (SC) na ipawalang bisa ang pagkakatalaga kay PNP Gen. Lina Castillo-Sarmiento bilang pinuno ng Human Rights Victims Claims Board.

Ang hakbang ay kasabay ng ika-28 anibersaryo ng EDSA People Power sa bansa kahapon.

Ayon sa grupong Samahan ng Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (SELDA), maituturing na insulto para sa mga biktima ng Martial Law ang pagtalaga kay Sarmiento dahil walang nominado ng SELDA ang naitalaga sa Human Rights Victims Claims Board bagama’t nasa probisyon ang RA 10368 o Human Rights Victims Reparation and Recognition Act.

Giit ng mga petisyoner na sina dating Bayan Muna Rep. Saturnino Ocampo, Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, Dr. Carolina Araullo, Trinidad Repuno, Tita Lubi at Josephine Dongail, sa ilalim ng nasabing batas, ang mga miyembro ng Human Rights Victims Claims Board ay nararapat na may competence at integrity; may malalim na pag-unawa at kaalaman sa human rights lalo na sa mga tumutol at gumawa ng hakbang kontra human rights violations noong rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos; at may commitment sa human rights protection.

Idinepensa naman ni Communications Spokesman Sonny Coloma ang paghirang kay Sarmiento at prerogative aniya ng presidente kung sino ang kanyang napipisil na itatalaga sa pwesto.

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *