Monday , December 23 2024

Airport, seaport alisin sa Metro (Para lumuwag ang trapik)

022614_FRONT

DAHIL sa napipintong paglala ng problema sa trapiko mula sa malalaking proyektong impraestruktura na isasagawa ngayon sa Kamaynilaan, agarang nanawagan ang mga estudyante ng University of the Philippines (UP) sa pagbabalangkas ng matagalang solusyon sa pamamagitan ng relokasyon ng mga paliparan at daungan sa mga karatig-probinsya gaya ng Cavite.

“Sa gitna ng paglobo ng populasyon ng Metro Manila, ang “short-term, band-aid solutions” ay hindi sapat upang ibsan ang pagsisikip ng mga lansangan na, base sa pag-aaral ng UP National Center for Transportation Studies ay nagdadala ng pagkakaluging umaabot sa P140 bilyon taon-taon,” ayon sa student leader at kasalukuyang Vice President for Student Affairs ng Respect Equals Discipline (RED) na si Red Maines.

Ayon sa RED Advocates na isang multisectoral group na nagtutulak ng adbokasiyang “Respect Equals Discipline” sa mga kalsada ng bansa, ang taunang pagkakalugi ng P140 bilyon ang epekto ng nasasayang na gasolina, lost labor hours, pasahod sa traffic aides at koryenteng nasasayang; at maaari din epekto ng pag-atras ng mga potensyal na dayuhang mamumuhunan, pag-alpas ng pagkakataon sa negosyo at pagnipis ng pumapasok na kapital sa kalakalan.

“Dalawang tanda ng industriyalisasyon ng isang bansa ay ang pagsisikip ng trapiko at pag-usbong ng mga gusali at proyektong impraestruktura, at ito ay nangangailangan ng mga kaparaanang akma sa isang bansang papaunlad. We have to think big and assume that the country will continue to grow and plan accordingly,” mariing pahayag ni Maines na Convenor rin ng UP Diliman League of College Councils Volunteer Corps.

“Di na pwede ang sari-sari store approach na tingi-tingi ang solusyon sa traffic. Kailangan nating pag-aralan ang pagkakaangkop ng mga modelong ginagamit ng mauunlad na bansa sa Asya gaya ng Malaysia at Thailand. Napapanahon na rin marahil ang relocation ng ating mga airport at mga pantalan sa Cavite at iba pang mga kalapit-lalawigan ng Kamaynilaan,” susog ni Nat Malit ng UP Diliman College of Social Sciences and Philosophy (CSSP) Student Council.

Ayon naman kay UP Diliman CSSP Student Council officer Jet David, ang mga datos ngayon ay nagsasabing ang paglipat ng mga airport at seaports sa mga karatig probinsya gaya ng Cavite na may sariling Export Processing Zone ay magpapababa nang husto sa bilang ng mga sasakyan sa Metro Manila.

“Ang pinakamalaking sanhi ng trapik sa Metro Manila ay ang libo-libong trak at napakalaking sanhi ang iba pang sasakyang tumatahak mula sa mga lansangan ng Kamaynilaan papunta sa iba pang mga destinasyon,” ani David.

“Kung ililipat natin ang mga daungan at paliparan sa labas ng Metro Manila, agad mawawala sa bilang na ito ang sampung libong (10,000) trak sa North Harbor mula at papuntang Timog Katagalugan. Kapag inilipat naman natin ang NAIA, apatnapung libong (40,000) behikulo kaagad ang mababawas sa mga lansangan dito.”

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *