CATEEL, Davao Oriental – Hindi napigilan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang paglalabas ng galit sa National Electrification Administration (NEA) at Department of Budget and Management dahil hindi pa naibabalik ang supply ng koryente sa ilang lugar sa Davao Oriental.
Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulong Aquino, nakarating sa kanya ang reklamo ng ilang residente na wala pa silang koryente.
Sinasabing nagtanong si Pangulong Aquino sa NEA at DBM kung nasaan ang nasabing request bagay na pinagpasahan ng dalawang ahensya.
Ayon sa Pangulong Aquino, dapat bago umalis ng Cateel, magkaroon nang tamang sagot kung nasaan ang hiling ng mga residente para maibalik ang kanilang koryente.
Inihayag ng Pangulong Aquino na minsan-minsan lang siya maubusan ng pasensya at huwag siyang susubukan.
Kung nasermonan ang DBM at NEA, pinuri naman ni Pangulong Aquino ang Department of Agriculture (DA) at Department of Public Works and Highways (DPWH).
(ROSE NOVENARIO)