Monday , December 23 2024

Truckers, pulis nagkagirian sa protesta vs truck ban

NAGKAGIRIAN ang grupo ng mga trucker at hanay ng pulisya sa North Harbor sa pag-arangkada ng daytime truck ban sa Maynila, kahapon.

Dakong 6:00 ng umaga, ipinarada ng mga driver ang kanilang mga trak sa gilid ng Moriones Gate ng Philippine Port Authority (PPA) bilang protesta sa bagong ordinansa sa lungsod.

Ipinaskil pa ng mga miyembro ng Integrated North Harbour Truckers Terminal ang ilang plaka sa kanilang mga trak na may nakasulat na: “Ibasura ang daytime truck ban.”

Dakong 6:30, dumating sa lugar si Manila Mayor Ejercito Estrada at nakipagdayalogo sa ilang driver.

Nang makaalis ang alkalde, pumuwesto ang mga pulis at mga armadong tauhan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) sa lugar upang bantayan ang mga nagpoprotestang driver.

Pero, humarang sa kalsada ang mga driver nang tangkaing hatakin ng mga tow truck na ipinadala ng lungsod ang kanilang mga trak.

Bahagyang nagkatensyon nang itulak ng mga awtoridad ang mga driver kahit pa sila’y nasa gilid lamang ng kalsada at hindi nakakaabala.

Pinilit ding dakipin ng mga pulis ang pinuno ng grupo at ipinilit pang hatakin ang dalawang trak kasama ang mga driver nito.

TRUCKERS GROUP NAGPASAKLOLO SA PALASYO

Matapos sumulat sa DoTC at DTI, nanawagan din ang samahan ng truck operators at drivers sa Malakanyang na makialam sa usapin ng daytime truck ban sa Maynila, na sinimulan nang ipatupad.

Ayon kay Mary Zapata, pangulo ng Aduana Business Club, Inc., hindi dapat hayaan ni Pangulong Noynoy Aquino na humantong sa krisis sa ekonomiya ang dulot ng nasabing ordinansa, dahil sa inaasahang pagkatengga o hindi paggalaw ng mga kargamento mula sa mga pier patungo sa iba’t ibang industriya sa bansa.

Nilinaw rin ni Zapata na hindi nakikipagmatigasan ang samahan ng truck operators at drivers kay Manila Mayor Joseph Estrada kundi ipinauunawa lang ang negatibong epekto ng daytime truck ban sa ekonomiya ng bansa.

Nagbanta rin ang mga truck operators na kanilang ipagpapatuloy ang kilos-protesta kung walang kahihinatnan ang bubuuing komite para rebisahin ang implementasyon ng daylight truck ban.

KOMERSYO PARALISADO SA MANILA TRUCK BAN

Nagbabala ang Confederation of Truckers Association of the Philippines (CTAP), na posibleng maparalisa ang komersyo sa bansa dahil sa ipinatutupad na daytime truck ban sa Maynila.

Sinabi ni retired PNP Chief Edgardo Aglipay at Chairman Emeritus ng CTAP, tiyak na maaapektuhan ang import at export industry ng bansa sa pagpapatupad ng daytime truck ban.

Paliwanang ni Aglipay, malaking panahon ang nauubos sa pagkarga at diskarga pa lang ng mga kargamento at pag-proseso ng papeles paglabas ng trak sa pier, kaya’t lagpas alas-3:00 ng hapon na anya makalalabas ng pantalan ang mga trak.

Malaking abala rin anya ang ordinansa dahil sakaling mahuli ang isang trak sa kalsada na lagpas sa itinatakda ng lungsod, pagmumultahin ito ng P5,000 at panibagong P5,000 kapag nahatak ito ng towing truck.

Ani Aglipay,  pabor ang kanilang hanay sa mungkahi ni Customs Commissioner John Sevilla na maaaring magproseso ang mga broker kapag “daytime” at kunin ang kargamento sa gabi para hindi tamaan ng truck ban.

Pero ang magiging problema anya, hindi nagbubukas sa gabi ang mga warehouse at sakaling ilipat ito ng Batangas pier ay mas mamahal ang mga bilihin dahil mas malayo na ang pagkukunan ng mga container.

“Ngayon (hinihikayat po namin), kung pwede huwag muna sanang i-implement kasi ang problema natin dito, hindi makapasok ang trak at makakalabas dahil sa maiksing station, dahil anim na libo ang lumalabas at pumapasok, kung hindi mabigyan ng espasyo [ang mga trak], hindi makapag-operate, in four days time mapupuno yung pier natin ng container at hindi na tayo makakapag-import. Kung magkakaroon ng paralization, ‘yun ang problema,” ani Aglipay.

Hiniling ni Aglipay na pag-usapan ng national at local government ang ordinansa dahil hindi lamang anya ito problema ng mga trucker kundi ng buong bansa.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *