Monday , December 23 2024

Ukraine President pinatalsik

Pinatalsik  ng parlyamento ng Ukraine ang kanilang presidente na si Viktor Yanukovich.

Ito’y sanhi ng sunod-sunod na tatlong araw na patuloy ang madugong karahasan sa kapital nitong Kiev na ikinamatay ng halos 100 katao.

Nitong Sabado (oras sa Ukraine), nakalaya na rin mula sa mahigit dalawang-taon pagkaka-hospital arrest ang dating Prime Minister na si Yulia Tymoshenko.

Sakay ng kanyang wheelchair, emosyonal subalit matatag na nagbigay ng mensahe si Tymoshenko sa mga demonstrador na nagtipon sa Kiev.

Itinakda ng Ukrainian parliament ang eleksyon sa bansa sa darating na Mayo 25.

Pero sa isang panayam, sinabi ng napatalsik na presidente na ilegal ang desisyon ng parliamento at hindi siya aalis ng bansa o magbibitiw sa pwesto.

Sumiklab ang tensyon sa Ukraine mula  noong nakalipas na tatlong buwan nang lumagda si Yanukovych sa trade deal sa Russia sa halip na sa European Union noong 2013.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *