MAS gugustuhin ni Pangulong Benigno Aquino III na makaharap si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison, kapag may peace agreement nang pipirmahan ang komunistang grupo at kanyang administrasyon.
“You know, I’m trying to recall a particular instance the President said something about this—na kung maganda po ba yatang magkaharap sila kung may peace agreement na. Parang ‘yon po ‘yung naalala ko kasi na-raise na po ito a couple of years back, and I remember that was what the President said na mabuti pong magkausap po sila kapag meron pong peace agreement na pipirmahan,” ani Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte hinggil sa kahandaan ni Pangulong Aquino na harapin si Sison.
Ang pagtanggi ng Pangulo sa alok ni Sison na makipagkita sa kanya para umusad ang peace talks ay taliwas sa pagdayo pa niya sa Japan para personal na makipagpulong kay Moro Islamic Liberation Front (MILF) Al Hadj Murad noong Agosto 5, 2011 upang muling buksan ang naudlot na peace talks ng kanyang administrasyon sa MILF.
Una nang naunsyami ang kauna-unahan sanang historical meeting nina Pangulong Aquino at Sison sa Hanoi, Vietnam noong 2013 dahil sa pagsasapawan nina Presidential Adviser on Political Affairs Ronald Llamas dahil ‘binaril’ ni Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Deles, ayon sa CPP leader.
(ROSE NOVENARIO)