IDENETALYE ni Roxanne Cabañero sa kanyang sworn affidavit ang akusasyon niyang rape laban sa aktor na si Vhong Navarro.
Ayon kay Roxanne, nang sumali siya sa Ms. Bikini Philippines, nag-guest sila sa TV program ni Navarro.
Isa aniya sa staff ng show ang kumuha ng kanyang cellphone number sa utos ng TV host.
Una ay nasorpresa raw siya ngunit natuwa rin dahil hindi akalaing magkakainteres maki-pagkaibigan sa kanya ang isang sikat kagaya ni Navarro.
Noong Abril 24, 2010, nag-text sa kanya si Navarro at sinabihan na magkita sila sa kanyang hotel room sa Astoria Plaza sa Ortigas ngunit hindi siya pumayag dahil may kasama siyang ibang contestants.
Kaya niyaya na lamang daw siya magkape at sinundo ng aktor ilang metro mula sa kanyang hotel.
Ngunit hindi rin sila tumuloy sa coffee shop kundi paikot-ikot lamang sa Ortigas.
Habang nagkukuwentuhan, hinihimas aniya ng aktor ang kamay at binti ni Cabañero.
Sa ilalim ng isang punongkahoy ay inihimpil aniya ni Navarro ang sasakyan at gusto na niyang bumaba ng kotse ngunit pinigilan siya ni Vhong kaya napapayag din sa kondisyong tigilan ang paghimas sa kanyang binti.
Habang nakikinig ng music sa sasakyan, tuloy aniya ang paghimas ni Vhong at hinubad ng aktor ang suot na shorts.
Ayon kay Cabañero, na-shock siya at pinilit bumaba ng sasakyan ngunit hinablot siya ng aktor at sapilitang inginudngod ang mukha sa ari ni Vhong upang mag-perform ng oral sex.
Dito na aniya siya umiyak ngunit tinakot siya ni Navarro na huwag papalag dahil nasa unahan lang nila ang mga tauhan ng aktor.
Sa huli ay nagtagumpay aniya ang aktor na magahasa siya sa passenger seat ng sasakyan habang siya’y nagpupumiglas.
Bago ihatid sa kanyang hotel, binalaan aniya siya ni Navarro na kapag lumabas sa publiko ang nangyari, magiging kawawa lamang siya.
Hirit nina Cornejo, Lee
CLOSED DOOR PRELIM INVESTIGATION ‘DI PINAYAGAN NG DOJ
HINDI pinagbigyan ng panel of prosecutors ng Department of Justice (DoJ) ang hirit ng kampo nina Deniece Cornejo at Cedric Lee na gawing closed door ang preliminary investigation kahapon dahil sa dami ng media na nag-cover sa pangalawang pagdinig.
Napag-alaman na kabilang sa mga respondent na dumalo sa preliminary investigation ay sina Cornejo, Lee, Bernice Lee, at Zimmer Raz habang sa panig naman ng complainant ay “no show” ang TV host-actor na si Vhong Navarro.