Friday , November 22 2024

Multa sa kolorum ng LTO money making — PISTON

INIHAYAG ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON), lumang solusyon ang pagtataas ng multa sa mga kolorum at hindi naging epektibo bagkus nagresulta lang sa lalong pagdami ng kolorum dahil sa pangongotong, money making at korupsyon.

Nagkakamali si DoTC Secretary Joseph Emilio Abaya sa pag-aakala niyang masusugpo ang colorum operations sa public transport dahil lamang sa kanyang panukalang pagpapataw ng mas mataas na multa, reaksyon ng transport group PISTON.

“Lumang tugtugin na ang panukala ni Abaya. Ilang beses nang itinaas ng DoTC at ng  iba’t ibang ahensiya ng gobyerno ang multa sa colorum operations pero nandyan pa rin at inutil pa rin ang pamahalaan na seryosong masugpo ito,” ani PISTON National President George San Mateo.

Sinabi ni San Mateo, ang panukala ni Abaya ang ginamit na dahilan ng DoTC noong panahon ni Gloria Macapagal-Arroyo nang ipataw ng DOTC ang Dept Order 2008-39 noong 2009 na nagtaas nang sobra-sobra sa fines and penalties sa mga moving  at  non-moving violations kabilang na ang colorum operations. Pero hanggang ngayon ay pa-tuloy na umiiral ang co-lorum operations.

Pinayuhan ni San Mateo si Abaya na magsuri muna nang mabuti bago magpanukala ng panibagong pagtataas ng multa. Mabuting ilabas muna ng DoTC ang official evaluation at assessment nito sa anti-colorum campaign.

“Dapat may tindigan na assessment/evaluation ang anti-colorum campaign ng DoTC bago magpatupad ng dagdag na multa. Kai-langan may malinaw na siyentipikong batayan kung bakit dapat magtaas ng multa,” ani San Mateo.

Ayon kay San Mateo, kaya nagpapatuloy ang colorum operations ay dahil mismong mga ahensiya at law enforcement agencies ng gobyerno at mga tiwaling opisyal at tauhan nito ang pangu-nahing protektor ng mga colorum.

”Sa bawat pagtaas ng multa, nagreresulta lamang sa lalong paglaki ng halagang kinokotong  ng mga tiwaling opisyal at tauhan ng mga ahensiya at law enforcement agencies ng gobyerno habang patuloy na umiiral ang mga colorum,” diin pa ni San Mateo.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *