Monday , December 23 2024

Korean patay sa tandem

CAMP OLIVAS, Pampanga – Pinagbabaril hanggang mapatay ng hindi nakilalang riding in tandem ang isang Korean national habang naglalakad kamakalawa ng gabi kasama ang tatlo niyang kabayan sa Clarkview entertainment center malapit sa Clark Freeport Zone sa Brgy. Anonas, Angeles City.

Sa ulat ni Senior Supt. Eden Ugale, Angeles City Police Office (ACPO) acting director, sa tanggapan ni Chief Supt. Raul Petrasanta, Central Luzon Police director, nagtakbuhan ang mga kasama ng Koreano na si Hur Tae Suk, 65, pansamantalang naninirahan sa Prism Hotel, Clarkview Avenue ng nasabing lugar, nang sunod-sunod na paputukan ang biktima ng mga suspek.

Agad binawian ng buhay ang biktima bunsod ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang posibleng motibo sa pagpaslang sa Koreano.       (LEONY AREVALO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *