SINALAKAY ng magkasanib na puwersa ng National Bureau of Investigation at Food and Drug Administration ang isang warehouse ng kilalang tindahan ng generic drugstore sa Parañaque, na nasamsam ang maraming produktong hindi nakarehistro sa FDA.
Dinala ang mga nakompiskang ‘drug concoctions’ sa FDA headquarters para alamin kung saan nanggaling ang mga natu-rang gamot.
Ang isang drug product na nakita sa warehouse at ngayon ay sinusuring maigi ng mga chemists ng FDA ay isang sikat na produkto laban sa singaw o mouth sore.
Ipinagtataka ng FDA kung bakit mayroon ganoong produkto ang nasabing generic drug store chain samantala hindi naman na-submit ang produkto sa FDA sa imbentaryo nila.
Sabi ng isang opisyal ng FDA, inaalam pa ang registration numbers ng marami sa mga produktong nakompiska para ikompara sa mga rehistro ng mga nagmamay-ari ng naturang drugs.
Estrikto na ngayon ang FDA sa naglipanang mga produkto na inilalako dahil iyong iba ay napag-alamang nakasisira sa kalusu-gan at ang iba ay nakamamatay. Kamakailan lamang ay nagbi-gay ng alert notice ang FDA laban sa ilang slimming products dahil masama sa kalusugan.
Ayon sa FDA, idi-dispose ang mga nasamsam na drug products nang naaayon sa batas. Ibig sabihin, kapag ang mga nakuhang drugs ay hindi naka-register sa FDA, ang mga ito ay susunugin.
Tinatayang lagpas P200 million ang kabuuan ng mga nasamsam na gamot sa naturang raid.
Naging mahigpit na ang FDA sa pagbabantay at pangangalaga ng kalusugan ng mga tao mula nang maupo si Dr. Kenneth Hartigan-Go, isang toxico-logist, internist at dating propesor sa Asian Institute of Management.
Kamakailan, ipinainspeksi-yon ni Dr. Go ang mahigit 100 tourist establishments katulad ng mga hotel at napag-alaman na ang supplier ng toiletries ay walang lisensiya sa FDA para magsuplay ng mga naturang produkto.
Marami sa toiletries suppliers ay walang License to Ope-rate na galing sa FDA at dahil dito ay binalaan ng FDA ang mga hotel.