ni Maricris Valdez Nicasio
NATUTUWA naman kami sa aming schoolmate/friend na si Ihman Esturco dahil mula sa pagiging character actor/manager, ngayo’y isa na siyang negosyante. Isang bar sa Paranaque City ang itinayo niya kasama ang iba pang mga kaibigan, ang Wicked Bar na magkakaroon ng grand opening sa February 26.
Bale nakabase na ngayon si Ihman sa America at umuuwi-uwi lamang siya ng ‘Pinas. Kaya ang kanyang kapatid na si Pinky ang mag-aasikaso at mamamahala ng Wicked Bar. Kasosyo naman ni Ihman sa Wicked Bar ang fashion designer na si Kim Gan na ang mga celebrity client ay sina Carmina Villarroel at Alice Dixson.
Napag-alaman naming sa pag-uwing ito ni Ihman ay nagkita sila agad ng dating alaga at discovery na si Coco Martin at very proud siya sa tinatamasang kasikatan ngayon ng itinuturing ng Hari ng Teleserye. “Aba siyempre I feel proud!” sambit ni Ihman. “I mean no matter what, siyempre sa akin siya nanggaling, ‘yung tipong ganoon.”
At ang isa sa hinahangaan ni Ihman kay Coco ay never itong nagbago kahit sikat na sikat na. “Never! And siya ang nagbigay sa akin ng accommodation (one month hotel accommodation).”
Napag-alaman naming 13 or 14 years old pa lamang noon si Coco ay tinutulungan na niya ito. “Wala pang ‘Masahista’ noon (ang indie movie na naging daan para makilala si Coco). Noon pa man ay naniniwala ako sa idea na alam kong may talent siya. Ipinaglaban ko ‘yun. Nakita ko ‘yung talent niya, kumbaga matagal na proseso pero sabi ko magtapos ka na muna ng pag-aaral, ‘yung tipong ganoon.
“And then after that, parang, alam mo ‘yun nagkaroon ka ng responsibility sa kanya, na kinakailangan i-launch ko ‘to, ‘yung tipong ganoon. So nakakuha ako ng producer, so ako ‘yung naging daan para gawin ‘yung ‘Masahista’ at si Brillante Mendoza ay kinuha ko to direct Coco because Danteis my friend,” kuwento pa ni Ihman.
Iginiit pa ni Ihman na sure siyang makikilala si Coco sa showbiz at magiging mahusay na artista, pero hindi niya inaa sahang sisikat ito ng todo, na para nga sa marami ay isa ng male Superstar.
“Ang sa akin lang ‘yun makagawa lang siya ng matinong pelikula, na maipagmamalaki niya, ‘yung tipong ganoon. Pero sabi ko, ‘basta ang importante, gawin mo ‘yung gusto mo’.”
At kahit sikat na sikat na si Coco, wala pa rin daw itong ipinagbago.
Ukol naman sa Wicked resto bar, sinabi ni Ihman na ito ang itinayo niyang negosyo dahil, “siguro dahil ‘yung pinanggalingan ko, I’m into theater so gusto ko ‘yung pure entertainment, ‘yung tipong ganoon. Tapos dapat lumabas kahit sino puwedeng pumasok, hindi lang siya parang comedy bar so dapat lahat puwede ninyong gawin.
“Actually sa akin ‘yung idea, pero siyempre may mga partner, collaboration.”
At ang Wicked Bar, ani Ihman ay, “Dapat wicked, dapat kinakailangan masaya, ‘yung tipong kumbaga naughty, ‘yung tipong ganoon, ‘di ba? Maganda ‘yung term na ‘yun, naughty.”
Ang Wicked bar daw ay inspired sa sikat na musical play na Wicked.
Kung ating pong matatandaan, naging artista si Coco sa pelikula ni Rosanna Roces, ang Ligaya ang Itawag Mo Sa Akin at nag-handle rin siya ng iba pang talents bukod kay Coco.
At dahil pabalik-balik ng America at ‘Pinas si Ihman, ‘di pa niya alam kung mag-aartista pa siya.
Makikita sa Wicked Bar ang pure entertainment tulad ng stand-up comedians, fashion shows, impersonators, group dancers, bands, at sexy male and female ledge dancers. Ito ay matatagpuan sa #888 Ninoy Aquino Avenue, Bgy. San Dionisio, Parañaque City, with telephone # (02) 952-4315.