HINDI puwede akusahan ang atletang si Heather Moyse na hindi siya resourceful.
Damang-dama ang pagnanais na maligo subalit nahaharap naman sa problemang wala siyang mapapaliguan, sa halip na hayaan na lamang na hindi makaligo, pinuno ng Canadian bobsledder ang isang basurahan ng mainit na tubig at hinaluan ng Epsom salt bago nagbabad dito. Pagkatapos nito’y nag-post si Moyse ng kanyang larawan na kamukha ni Oscar the Grouch habang naliligo at nasa loob ng garbage bin.
Dangan nga lang, ito ang kauna-una-hang pagkakataon na makakita tayo ng isang naliligo na nakadamit pa at may suot na stocking cap!
Ayon sa mga doktor at researcher, ang pagbabad sa Epsom salt bath ay isang ligtas at madaling paraan para mapataas ang level ng magnesium at sulfate sa ating katawan.
Batay naman sa Toronto Sun poll, 19.91 porsyento lamang ng mga botante ang nagsabing hindi sila maliligo sa loob ng basurahan—iham-bing naman ito sa 35.91 porsyento na nagsabi ng oo at 44.18 porsyento na nagpahayag na “depende kung malinis ito.”
Kinalap ni Sandra Halina