NAGTALAGA ng 13 bagong hukom si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III para sa iba’t ibang korte sa mga lalawigan sa norte.
Sa isang pahinang transmittal letter na ipinadala ng Pangulo kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na may petsang February 14, nakarating sa SC noong Feb 20, sinabi ni Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr., na kabilang sa mga nilag-yan ng mga bagong hukom ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Isabela, Cagayan, Quirino, Ifugao, Batanes, Kalinga at Aurora.
“I am pleased to transmit herewith the appointment letters of the following signed by His Excellency, President Benigno S. Aquino III,” ayon sa liham na linagdaan ni Ochoa.
Itinalagang huwes sina RTC Judge Mario Anacleto Banez, Branch 25 Tagudin, Ilocos Sur.
Para sa Municipal Trial Court, si Judge Mayu-mi Manzano Abergas ay inilagay sa Cabarroguis, Quirino.
Para sa Municipal Circuit Trial Courts, iniluklok sina Judges Charmi Christine Favorito Valera sa 2nd MCTC Tayum-Penarrubia, Abra; Charles Javier Calapini ng 3rd MCTC, Sarrat – Vintar, Ilocos Norte; Rodrigo Valdez, Jr., ng 5th MCTC Sallapadan-Bucloc-Daguioman, Abra; Richard Ba-lucio ng 2nd MCTC, Pasuquin-Burgos, Ilocos Norte; Edwin Macaraeg ng 7th MCTC, Banayoyo-Lillidda-San Emilio, Ilocos Sur.
Itinalaga sa MCTC sina Judges Ramorelia Lodriguito-Caranay ng 13th MCTC, San Manuel-Aurora, Isabela; Nympha Dugayon Abbacan ng 3rd MCTC Pinukpuk-Rizal, Kalinga; Michael Tagare ng 2nd MCTC Maddela-Nagtipunan, Quirino; Pascual Kimayong ng 4th MCTC, Lagawe-Hingyon, Ifugao; Clifford Lambertini Sobrevilla 8th MCTC Branch 1, Aparri-Calayan, Cagayan at Glenda Antolin Pazziuagan ng 1st MCTC Basco-Mahatao, Batanes.
Ang mga bagong appointee ay dumaan sa matinding screening ng Judicial and Bar Council (JBC) bago ipinadala ang kanilang mga pangalan sa tanggapan ng Pangulo.
(leonard basilio)