Friday , January 10 2025

5-anyos inihulog ng ina sa septic tank (Ama iniimbestigahan din)

CAGAYAN DE ORO CITY – Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang ina na itinuturong responsable sa pagpatay ng sarili niyang anak na inihulog sa septic tank sa Brgy. Pagalungan sa lungsod ng Cagayan de Oro.

Kinilala ang biktimang si Angel Bahian, 5, residente sa nasabing lugar.

Inihayag ni S/Insp. Erickson Sabanal, hepe ng Lumbia Police Station, mismong ang ama ng bata ang nagsumbong sa kanilang barangay officials hinggil sa pangyayari dahil siya’y nakonsensya.

Tinukoy ni Sabanal na ang suspek na si Sarah Bahian ay tumakas makaraan ang insidente.

Nanguna si Pagalungan Brgy. Chairman Renie Oporto sa paghukay upang maiahon ang bangkay ng biktima.

Nagpapatuloy ang im-bestigasyon upang alamin kung ano ang dahilan sa pagpatay ng suspek sa bata.

Ang ama ay nasa kustodiya na rin ng barangay kapitan para maimbestiga-han kung ano ang kanyang partisipasyon matapos isumbong sa mga awtoridad ang kinalalagyan ng bangkay ng anak.

Napag-alaman na nangyari ang pagpatay sa biktima noon pang Disyembre 2013 at kahapon lamang naglakas-loob ang ama ng bata na magsumbong sa mga awtoridad at ibinulgar ang pangyayari.

About hataw tabloid

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *